#9

167 26 3
                                    

Sela's Pov

Lumabas na muna ako saglit ng restaurant dahil naiihi na ako at fudge wala pang cr sa loob , anong klaseng kainan yun? Nakabuntot naman sa akin ngayon si gia dahil hindi niya daw ako pwedeng hayaan na mag isa lang na umalis.

Maya maya ay nakarating na kami ng cr at sobrang dami ng tao sa loob , fudge! naiihi na talaga ako di ko na kayang pigilan.

"Ano mars? Kaya pa ba mukhang bukas ka pa ata makakapunta ng cr sa lagay na ito! Ano hanap nalang ba tayo ng ibang cr dito sa mall? For sure may cr naman na bakante hindi yung ganito ka crowded" sabi ni gia napatintin nalang ako sa haba ng pila , argh bahala na sa iba na nga lang

"Tara na hanap nalang tayo , tanong natin doon sa may guard oh!" Sabay turo ko sa mga guard na naka pwesto sa may bandang entrance ng mall.

"Kuya guard? Saan pa po ba makikita yung cr maliban po dito sa groundfloor?" Tanong ko kay manong guard , napaisip naman siya saglit sa tanong ko kasi hindi siya agad nakasagot.

"Ah ma'am sakay nalang po kayo ng escalator and then diretsuhin niyo lang po yung daan hanggang sa umabot kayo sa may jollibee and then may makikita na kayong sign doon papuntang comfort room" diretsong sagot sa amin ni kuya , napangiti nalang ako sa kanya.

"Maraming salamat po kuya guard!"

"Gia bilisan mong maglakad! Ang bagal mo sobra , para kang pagong sa sobrang kupad mo" naiinis na sabi ko kay gia napakabagal ba namang maglakad ewan ko sa babaeng to sinabi na ngang naiihi na ako eh.

"Wait lang sela? Parang namalikmata kasi ako, parang nakita ko si rans dito ngayon sa mall pero hindi ko lang sure ah" nag aalinlangang sabi niya , napatawa naman ako ng mahina sa kanya. Si rans? Mapapadpad dito? Eh andaming mall sa manila tsk imposible.

"Ano ka ba gia , imposibleng mapadpad dito si rans eh ang layo layo ng mall nato sa manila , guni guni mo lang yun tara na bilis!" Singhal ko sa kanya , bahagyang napakurap muna siya bago tuluyang maglakad.

Nakarating na kami ng cr at agad agad na akong pumasok , argh heaven! Sa wakas nakaihi na din pagkatapos kong mag cr ay nagtungo na ako sa lababo upang maghugas.

Itong si gia naman parang wala sa sarili kaya napag isip isip ko na kurutin yung gilid niya para naman mahimasmasan ng unti.

"Fudge! Aray ko sela naman eh!" Singhal niya sa akin bahagyang natawa nalang ako sa reaksyon niya ngayon, hinila ko nalang siya palabas ng cr dahil baka hindi na naman siya maglakad.

For sure kanina pa kami hinahanap nila mommy , bakit kasi sumama pa tong si gia mas tumagal tuloy kaming dalawa.

Sa di inaasahang pangyayari ay may nakita akong dalawang babae sa malayuan at mukha silang pamilyar , paliko yung way namin papunta kila mom pero mas pinili kong dumiretso para ma sure kung kilala ko nga batong dalawa.

Kung oo man for sure di nila kami makikilala kasi balot na balot yung mukha namin at tanging mga mata lang namin ang makikita.

"Hoy sela! Doon ang daan papunta kila tita bakit tayo dumiretso? Argh saan mo ba balak pumunta? Nagugutom na ako mars!" Iritang tanong ni gia sa akin , hinila hila ko nalang siya at hindi na umimik pa.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now