Chapter 51

1.7K 59 9
                                    

Jamie POV

"doctora jamie ito na po yung hinihingi niyo" 

"okay thank you" 

sabi ko ng makuha ko iyon saka ilinapag na sa ibabaw ng table ko.

umupo na agad ako saka binasa ang report tungkol sa kondisyon nila lyka at eloise ngayon. 

tatlong araw na silang coma at kapag na tatapos ang shift ko ay dumidiretso agad ako doon par bantayan sila. 

alam din naman ni fritzie ang tungkol sa nangyari sa kapatid niya at maging si leo ay alam din niya. 

bihira ko nalang kung makita dito si leo, hindi ko pa alam kung ano ang talagang nangyari kung bakit naging ganoon nalang. 

ng na tapos na nag shift ko ay agad ko ng kinuha ang gamit ko saka agad na umalis doon.

ang alam ko ay si fritzie ang nag-babantay ngayon sa kanila.

ng itingil ko na ang sasakyan ko sa parking lot ng hospital ay lumabas na agad ako ng sasakyan saka nag-lakad na papasok sa loob. 

ilang sandali pa ay nandoon na ako kaya pumasok na ako sa loob ng kuwarto ng dalawa.

pinag-sama nalang kasi namin silang dalawa sa iisang kuwarto at malaki naman itong kinuha namin.

ng makapasok ako sa loob ay naabutan kong may ginagawa si fritzie kaya lumapit ako sa kaniya. 

"is there any update?" tanong niya kaya na pailing nalang ako sa kaniya. 

"wala pa din pagbabago sa lagay nila ngayon" sagot ko saka na upo sa tabi niya. 

"sinabi na din sa akin ng doctor na pumunta dito kanina na hindi pa sila sigurado kung kailan magigising ang dalawa, pwede din daw na hindi na sila magising pero hindi naman totoo ang mga sinasabi niya dahil alam kong magigising sila" pahayag niya kaya na patingin ako sa kaniya. 

na pahinga nalang ako ng malalim saka na patingin kila lyka at eloise. 

"hindi pa ba pumupunta dito si phoenix?" tanong ko.

"hindi pa, wala namang ibang nandito kanina kundi ako lang" sagot niya kaya na patango nalang ako. 

hindi ko alam kung bakit hindi pumupunta dito si phoenix, hindi ko pa siya na kikita o na kakausap. 

sinubukan ko na din siyang tawagan ng madaming beses pero hindi niya sinasagot ang mga tawag at kahit ang kapatid niyang si leo ay wala ding alam kung na saan ngayon si phoenix. 

sinubukan ko din kausap yung tatlo niyang tauhan pero maging sila ay walang sinasabi kung na saan ngayon si phoenix. 

"alam na ba ng pamilya niyo ang tungkol dito?" tanong ko dahil hindi ko pa nakikitang pumupunta dito ang pamilya nila.

"hindi ko pa na sasabi sa kanila" sagot niya kaya na patingin ako sa kaniya. 

"hindi matutuwa si grandma and grandpa kapag nalaman nila ang nangyari sa dalawa, specially for lyka. Lyka was our grandma favorite among us and hindi ko din sigurado kung ano ang gagawin nila kapag nalaman ito dahil pwedeng lumala ang lahat" dugtong nito.

"well you have a point but you can't hide this to them" sabi ko naman saka na pasandal nalang. 

madami akong tanong pero alam kong masasagot lang ang mga tanong ko kapag nagising na sila. 

na patigil ako sa paggalaw ng biglang bumukas ang pinto at pumasok dito sa loob si leo.

ng mapatingin ako kay fritzie ay na kita kong na patayo pa siya ng makita si leo.

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now