Kabanata XXII

1.5K 54 1K
                                    

"PASENSYA na sa mga sinabi ni Jayvee kanina. May pagka-OA lang talaga siya minsan," wika ni Caren nang makalabas ito sa kusina. Wala ng Jayvee na umaligid sa dalaga dahil umalis na ito kanina habang masama ang tingin sa kanya.

"No, it's fine. I'm just teasing and testing him earlier. Pero totoo ba ang lahat nang sinabi niya? Kayo na ba talaga?" nag-aalangang tanong niya at muli siyang nakaramdam ng lungkot at panghihinayang nang tumango si Caren. Pero mabilis niyang ikinubli iyon at pinalitan niya ng isang ngiti, isang malungkot na ngiti.

"Oo, totoo ang lahat nang sinabi niya kanina. I am his girlfriend at may problema lang kami ngayon. I'm just playing hard-to-get to give him a lesson. By the way, kumusta ka na pala?" sagot ni Caren at mahina siyang tumawa sa 'playing hard-to-get' na sinabi ng dalaga.

"Heto... I'm fine, kung maayos nga bang matatawag ang condition ko ngayon. I came back here to ask for your forgiveness and to say sorry for everything I have done before. I'm sorry, Caren... And I also came back here to ask for a second chance but late na yata ako. May nagmamay-ari na sa'yo. And he seems possessive and territorial," natatawang wika niya habang binabalikan sa isipan ang naging tagpo sa pagitan nila ni Jayvee kanina.

Inaasar lang naman niya kanina si Jayvee at hindi niya alam pero parang ang bilis niyang isuko sa binata si Caren. Alam niyang mahal pa niya ang dalaga pero handa siyang magparaya at kalimutan ang nararamdaman niya para sa dalaga kung sa piling ng ibang lalaki ito mas magiging masaya. At kahit unang beses pa lang niyang nakita kanina si Jayvee ay sigurado siyang maibibigay nito iyon kay Caren. Masyadong halata na mahal ng mga ito ang isa't isa.

"I'm sorr-"

"No. You don't have to say sorry, Caren. I know that there's a big possibility na hindi ka na available pagbalik ko but I still want to say na mahal pa rin kita. Ikaw lang at ikaw pa rin," pagputol niya sa sasabihin ni Caren pero parang may parte ng pagkatao niya ang tumututol sa huling sinabi niya. Parang ipinaglalaban nito ang puwang ni Shine sa puso niya.

"Salamat sa pagmamahal pero hanggang kaibigan na lang ang maibibigay ko sa'yo. We can still be friends like before. At matagal na kitang napatawad sa nagawa mo noon, Justin. Sinabi na sa'kin nina Mom and Dad ang nangyari sa'yo and I'm sorry kung ako ang naging dahilan kung bakit ka nagkagano'n."

"It's not your fault, Caren. And I think it's my karma for trying to molest you before. Masyado lang akong nagpadala at nagpatalo sa kapusukan at tukso noon kaya nagawa ko ang isang bagay na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. At sana ay magkasama pa rin tayo hanggang ngayon kung hindi lang ako nagkamali noon," puno ng pagsisisi at paghihinayang na wika niya at hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng kanyang emosyon. He cried in front of her while saying sorry and asking for her forgiveness.

"Patawarin mo na ang sarili mo, Justin. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari sa atin 'yon noon. At alam kong may babaeng para sa'yo... may ibang babaeng nakatadhana sa isang Justin Aragon," naluluhang wika ni Caren sa kanya at bakas din ang awa sa mga mata nito. Niyakap siya ng dalaga at hinayaan siyang sa balikat nito umiyak.

"Salamat, Caren. And you're right, baka nga may reason ang lahat kung bakit nangyari sa atin iyon noon. And thank you for the friendship. Tatanggapin ko ang friendship na kaya mo lang ibigay pero huwag mo akong pipigilan na mahalin ka. Hayaan mong kusang mawala ito dahil unti-unti ko na itong buburahin at magtitira lang ako ng pagmamahal bilang kaibigan para sa'yo," nahihirapang wika niya habang bumubuhos ang kanyang mga luha. Naramdaman niya ang marahang paghaplos ni Caren sa likod niya.

Nagpatuloy ang pag-uusap nila at parang may nawalang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya dahil gumaan ang kanyang pakiramdam nang makamtan niya ang kapatawarang hinahangad niya galing kay Caren. Nasaktan siya sa ginawa niyang pagpaparaya pero wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya dahil alam niyang nasa mabuting mga kamay ang dalaga.

You Are My EverythingWhere stories live. Discover now