16

225 9 0
                                    

Nakapalumbaba ako habang nakatitig kay Zach na kasalukuyang nag-oonline class. It's already 10 am dito sa Paris, sa Pinas kasi 4pm palang. Hanggang 6pm ang klase nito. I'm so hungry na. I want to have lunch.




Seryosong nakatutok si Zach sa laptop niya habang nakikinig sa conference. Hindi ako nag-abala na lumabas mag-isa sa kwarto dahil ayokong iwan si Zach. Gustong gusto ko nang tanungin si Zach kung gusto niya bang magpa-room service ng food pero natatakot naman na istorbohin ito sa klase.




"What do you want?"




Hindi ko namalayan na nagsalita pala si Zach. Ako ata ang kausap nito? Pero nakatutok pa rin ito sa tapat ng screen.




"You've been staring at me for hours. " Dagdag pa nito.




"Uhm ano kasi.....nagugutom na ako. Inaantay lang kitang matapos sa klase mo para sabay tayong mag-lunch." Nahihiya kong sabi.




Bakit ba nahihiya ako? Wala namang masama kung gusto ko siyang kasabay kumain. Tsaka baka kasi may lumapit nanaman sakin no.




Nagulat ako nang biglang tumayo si Zach at sinarado yung laptop niya. At tinabi yung mga papers at books niya sa gilid. Naglakad ito papunsa sa side table at kinuha yung wallet niya.





"Let's go."



"Huh? San tayo pupunta?" Pagtataka ko.



"You said you wanted to eat."




"Wag na, dito nalang tayo. May klase ka pa e------"




Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng biglang naglakad palabas si Zach. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo para sundan si Zach.




Pinindot niya yung down button sa elevator at agad itong bumukas, sabay kaming pumasok sa loob. Ako na yung pumindot sa lobby.



Makalipas ang ilang segundo, bumukas uli yung elevator at may pumasok sa dalawang lalaki. Dahil nakasara yung elevator, bakat sa repleksyon na nakatingin ito sakin at pinagbubulungan ko.




Zach cleared his throat. Pakiramdam ko ay napanson niya rin na nakatingin sakin yung dalawa.




Buti nalang at agad na bumukas yumg elevator. Hinawakan ni Zach yung kamay ko at hinila palabas.




"Where do you want to eat?" Pagtataka nito habang naglalakad na kami sa labas. Hindi na kami nag-abala na magkotse dahil sobrang daming restaurants dito paglabas mo.




"Ikaw."



Nilingon naman ako ni Zach dahil sa sinabi ko. Ngayon ko lang na-realize na medyo iba meaning ng sinabi ko!





"I-I mean ikaw bahala." Pagtama ko.




Bakit ba nahihiya ako kay Zach? Am I blushing ba? Am I seriously having a crush on him again? Akala ko ba moved on na ako kasi hindi naman niya ako type. For sure may relasyon siguro sila nung ka-work niya sa hospital. May pa-sweetie pa siyang nalalaman. Trying hard maging conyo. Tsk.





Huminto si Zach sa tapat ng isang rest. Le Servan ang pangalan nung restaurant.



"This will do." Tangi nitong sabi.



Binuksan niya yung pintuan at inalalayan akong pumasok, sumunod naman siya sa likuran ko.



"Bonjour mademoiselle and monseiur" Bati samin nung staff.



Love, Zachary [ COMPLETED]Where stories live. Discover now