𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮'𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗼𝗻

10 1 0
                                        

Panahon ay dumadaloy
Pag-asa'y naroroon
Tingnan ang kagandahan sa bawat sitwasyon
Marami pang darating na pagkakataon

Ang buhay man ay puno ng mga hamon
Kaibigan, magpatuloy kang sumuong
Patuloy na maniwalang darating ang magandang bukas
At magtiwalang maraming oportunidad ang naghihintay sa bawat landasing iyong tinatahak

Pag-asa't pagkakataon ay patuloy na darating
Basta't ika'y maging matapang sa mga bagyo pang haharapin
Lakas ng loob at determinasyon
Maniwala kang marami pang pagkakataon para ika'y bumangon

𝘞𝘳𝘪𝘵𝘵𝘦𝘯 by:
     ☾︎𝓛𝓲𝓵𝓳𝓸𝓼𝓪𝓪𝓪
     
Requested by: Mr. Brence

𝗪𝗔𝗧𝗧𝗣𝗔𝗗 𝗧𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 𝓑𝔂:𝓛𝓲𝓵𝓳𝓸𝓼𝓪𝓪𝓪Where stories live. Discover now