All My Life

545 20 10
                                    

Song: All My Life by America

Flashbacks

__________

All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share

His POV

"... Angeline, you're my singing partner. Medyo malungkot ako dahil wala ka sa tribute na ito, pero alam mo yan, na napakalaking bahagi ka ng aking karera."

Nakatingin lamang ako sa kanya habang sinasambit ko ang mga salitang 'yon. Kitang kita ko ang malaking ngiti sa kanyang muka. Alam ko naman ang dahilan kung bakit wala siya ngayon dito sa itaas— kasama ko sa entablado, dahil yun ang nais niya, ngunit hindi niya sinabi sa akin ang dahilan. Gayunpaman, malapad ang nakaguhit na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal ko na nakaupo katabi ang isa pang babae na mahalaga sa buhay ko.

Saglit akong huminto upang pagisipan mabuti ang mga susunod kong sasabihin sa kanya. Alam kong marami ang malilito sa susunod kong iaalay na salita, ngunit, isa lang ang sigurado ako, pareho naming maiintindihan ang totoong kahulugan ng mga sasabihin ko.

"... Angeline, thank you so much. I love you." muli kong pagpapatuloy sa sinasabi ko.

Nasaksihan ko ang mas lalong paglapad ng ngiti sa kanyang muka. Ang mga ngiting alam kong tumatagos sa kanyang puso. Napakasarap panoorin ng kanyang reaksyon at ang reaksyon ng aking ina sa tabi niya.

Nagpatuloy pa ako sa pagpapasalamat sa mga malalapit ding mangaawit sa akin na naging bahagi ng programa na alay sa akin ng aking ASAP family.

Pagkatapos ng programa ay agad na akong bumalik sa aming dressing room. Samu't saring pagbati ang natatanggap ko habang ako'y pabalik hanggang sa makarating ako doon.

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng aking ina na nanood kanina at ng mga kaibigan ko. Ngunit, agad hinanap ng mga mata ko ang isang tao na nais kong makita sa mga oras na iyon, ngunit nabigo siyang makita ito.

"Huy, bro! Ayaw mo ata kami dito, eh. Sino bang hinahanap mo diyan?" napunta ang mga tingin ko kay Yeng. Nilibot ko ang aking mga mata at nakita kong nakatitig na ang lahat ng tao sa loob sa akin.

"Naku, Yeng, mukang alam naman nating lahat kung sinong hinahanap niyan." sambit ng aking ina na umani ng mga maliliit na tawanan sa loob.

"Wala, nagmamadaling umalis kanina pagkatapos mong magsalita." sagot ni Yeng.

May kung anong lungkot ang lumukob sa damdamin ko nang marinig ko ang sinabi niya.

Nagusap lang kami sa loob at ang iba ay nagabot lang ng pagbati pagkatapos ay umalis na rin sila. Ngayon ay tatlo nalang kami nila Nanay at ni Yeng na natira dito.

AE One Shots (Angeline Quinto & Erik Santos)Where stories live. Discover now