PROLOUGE

2 0 0
                                    

Malakas na ingay ang maririnig mula sa maliit kong kwarto. Puno ng katanungan ang aking isip sa kung anong meron sa labas ng silid. Isinawalang bahala ko nalang ito at ipinagpatuloy ang pagbabasa para sa exam na magaganap bukas.

Matagal kong tinitigan ang binabasa ngunit sadyang hindi ko maipokus ang sarili sa pagbabasa dahil sa tingin ko'y palapit na ang ingay na aking naririnig mula pa kanina.

Sa huli ay tumayo ako at sumilip sa bintana.

Napakaraming tao sa labas na tila ba may isang palabas na magaganap sa harap ng gusali maya-maya lang.

Pinagmasdan ko ang mukha ng bawat isa. Punong-puno ito ng panghuhusga sa kung anong nangyayari sa paligid. Nakiki-usyoso ang mga ito at panay ang bulong sa mga katabi.

Maya-maya pa'y dumating na ang inaasahan nila.

Nagsibabaan sa kanilang mga sasakyan ang mga dumating.

Sa wakas ay tumigil na rin ang mga ingay na nililikha ng mga tao sa paligid.

Muli kong tinanaw ang ngayong tahimik nang paligid.

Maging ang bituin ay tila natatakot na sumilip sa mga ulap dahil sa dilim ng kalangitan.

Bumalik ako sa dating pwesto at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Hindi ko pa nasusulit ng lubos ang katahimikang kanina pa inaasam ng may katok na naman akong naririnig.

Pinagmasdan ko ang pulang kama sa aking tabi. Hinawakan ko ang nakapatong dito na para bang isa itong mamahaling bagay, isang uri ng babasagin na ngayon ay nawasak ko na.

Di bale, tingin ko naman ay makikita ko pa ulit ang bagay na ito.

Ibinalik ko ang tingin sa pinto matapos pagmasdan ang natatanging bagay na kailanman ay hindi na magiging pagmamay-ari pa ng iba.

"Sino naman kaya ito?"

Walang sumagot sa akin kaya hinayaan ko nalang din ito. Hanggang sa paulit-ulit nang may kumakalabog sa kwartong dapat sana'y tahimik na.

Hindi ko nalang ito pinagtuunan pa ng pansin dahil kakaunti na lang ang oras ko para bukas at ayokong bumagsak. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa napatigil ako dahil sa mga naririnig na yapak ng paa sa aking kwarto.

Pumalibot ang mga ito sa akin.

Sila na siguro ang tagapagbantay sa exam para bukas. Hindi ko lang din alam kung bakit napaaga ang dating nila.

Itinigil ko na ang pagbabasa at nanatili sa pwesto habang inaantay ang instructions na dapat kong sundin para sa pagsusulit.



"YOU ARE UNDER ARREST..."





*****
CTHACEDO_ERIN17
DIESIOTSO
2021

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DIESIOTSOWhere stories live. Discover now