Coleen's Pov
Nasa mall kaming dalawa ni frances at kasalukuyang naglilibot lang dito para tumingin tingin ng mga magagandang dami at iba pa, bonding time ba kung baga matagal tagal na rin kasi nung nakapag mall kaming dalawa , lagi nalang kasi akong nagiging third wheel sa kanila ni kielle. Yeah di naman masakit eh no? Haha anyways medyo nafifigure out ko na mukhang hinahangaan ko lang talaga si Frances at baka nasanay lang akong nandyan siya kaya nagkaroon ako ng kaunting feelings sa kanya pero ngayon gusto ko siyang iparaya kay jaydee at hindi kay kielle.
May iba kasi akong kutob sa taong yun eh. Don't get me wrong ah I'm not against kielle because of jaydee and we were okay right now but I can sense something fishy when I'm with him together with ut-ut. Hays basta ewan ayoko naman husgahan siya agad dahil lang sa masamang kutob ko , anyway nakabili na kami ni frances ng mga bags as well as clothes and dresses.
Nagdecide na din kami na bumili ng swimsuit at pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin na umuwi nalang kaya kasalukuyang naglalakad na kami papuntang parking lot. Tinapik niya naman ako dahil naka pokus lang ako sa pag a update ng ginagawa namin kay jaydee nang hindi nalalaman ni frances.
"Why ut-ut? Is there something that is bothering you? You can tell me naman if you want" tanong ko sa kanya at inilagay na muna sa may bulsa ko yung phone ko baka kasi mahuli niya pa akong kausap ko yung ex niya at magalit na naman siya sa akin.
"I'm sorry for not telling you early , Uhm Kielle and I are in a relationship na last week ko lang siya sinagot coleen?!" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat , what the heck sila na ni kielle last week pa tapos ngayon niya lang sinabi sa akin.
"What the heck? How come na hindi mo agad sinabi sa akin ut-ut? Hmp natuto ka nang magtago sa akin ah nakakatampo ka frances. Hindi na ikaw yung bestie ko?!" nakabusangot na sabi ko sa kanya , agad naman niyang hinawakan yung pisngean ko at pinisil pisil iyun.
"I'm sorry Ut-ut , I don't intend naman na ihide to sayo but this past few days kasi sobrang busy mo at sa tuwing niyaya kita na lumabas tayo ay lagi mong sinasabi na busy ka kaya ngayon ko lang nasabi sayo at ang pangit din naman kasi kung sa through chat ko sasabihin mas maganda parin talaga pag sa personal diba? Kaya wag ka nang magtampo okay? Promise babawi ako sayo!" Sabagay busy ako kasi sa pagtulong kay jaydee para bumawi sayo tapos ito lang pala ang malalaman ko for sure malulungkot ng sobra yun si jaydee pag nalaman niyang huli na pala siya.
"Hays ano pa nga ba magagawa ko? Anyway mukhang may sundo ka ngayon ah? Si kielle ba Queen?" Sabi ko sa kanya tumango naman siya at iginagalaw galaw niya yung dalawang kilay niya.
"Oo eh actually nandon na siya sa may trinoma ngayon dun nalang kami mag sisine at magdidate hehe" sana ol date eh no? Habang ako tamang support nalang sayo frances.
"Sige mag ingat kayo queen! Congrats pala sainyong dalawa ah , stay strong sana magbreak kayo kaagad kasi hindi naman kayo bagay ni kielle" mahina lang yung pagkasabi ko nung iba dahil baka kasi magalit siya pag nilakasan ko yung sinabi ko.
"Ano ut-ut? Di ko masyadong narinig yung last mong sinabi sa akin , anyway ingat kadin ah! Iupdate mo din ako kung nakauwi kana ng bahay niyo" sabi niya pa sa akin sabay kumaway kaway na bago pumasok ng kanyang kotse. Ganun na din naman ang ginawa ko pumasok na ako ng kotse ko at inilagay ko na sa loob yung mga pinamili naming mga gamit. Bago ko paandarin yung kotse ko ay naisipan kong tawagan si Jaydee upang ipaalam sa kanya ang balita pero maa maganda kung sa personal.
