February 13 (One Shot)

168 10 12
                                    

February 13

Isang special na araw sa mga Junior at Senior high school - Prom. Habang sa amin namang mga sophomores, Isang karaniwang araw lamang eto. Paglelecture, pagdidiscuss ng mga teachers sa hindi maubos ubos na mga lessons namin at syempre ang pakikipagdaldalan sa katabi.

"Jen, may date ka ba bukas? Kung wala pwede ba ako nalang?" bulong ng isang kaklase kong lalake na nasa likuran ko mismo. Valentine's na nga pala kasi bukas.

"Tch!" pagsusungit ko. Sabay irap ko sakanya... Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lamang ako sa teacher namin. Pero patuloy pa rin siya sa pakikipag usap sa akin kahit na hindi ko naman na siya pinapansin.

"Mr. Cruz!" iritableng sabi ng teacher namin. Nahuli niya kasing kinakausap ako nitong lalake na nasa likod ko. Buti nga sakanya.

"A-ahh ma'am"

"Outside!" sabi ng teacher namin sa English. Maguuwian na din kasi maya maya. Half day lang kami ngayon. Dahil prom nga mamayang 3:00 so mga mamayang 2:00 pauwiin na kami. Kaso may first period pa kami sa hapon.

*knocks at the door*

"yes ma'am" tanong ng teacher namin sa english. Pumasok kasi yung teacher namin sa filipino.

"ahh 8 B I just like to inform you na yung talkshow nyo. Mamaya niyo na dapat iprepresent ok? Ok ma'am thank you" sbi nya sabay labas ng classroom

By the way I'm Jennifer Kate Flores. Grade 8 B student. Ahhmmm ano ba ako. Isa lang naman akong hamak na tahimik, matalino at maganda. Hindi naman sobrang talino, slight lang. Hindi din kasing ganda ng katulad ng ex ng mahal ko. Ako isang simpleng babae ay nagkakandarapa sa isang lalakeng matagal ko ng minamahal ng patago. 'yung mga lalakeng nag aaya sa akin ng date hindi ko na lang pinapansin kasi iba ang gusto ko.

Naalala ko nanaman yung sinabi ni Kevin kanina ,manliligaw ko. Bago mag english class. Vacant kasi namin yun eh kaya nagpraktis kami ng Filipino.

~flashback~

1 hour ago

Nandito kami ngayon sa gymnasium para magpraktis ng filipino. Nagprapraktis na sila Josh. Si Josh, Team captain ng varsity ng school. Kaya maraming nagkakandarapa sa kanya at isa na ako doon. Siya yung ideal man ko. Mabait, matalino, gwapo at higit sa lahat gentleman,may sapak nga lang sa utak minsan. Kaso yang mga katangian niya na 'yan naipakita niya na yata sa buong mundo. Sa akin niya na lang hindi naipapakita. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Hindi ko alam ang sagot diyan. Nagpunta ako sa bleachers nina bhes Ken. Kagroup niya kasi si Josh hindi naman sa pagpapapansin kaya ako nagpunta doon.

"bhes malling tayo after class ha?" bulong ko sa kanya

"sige ba!" mabilis nya namang tugon

"aishh ayoko nga kay Mae!" narinig kong daing ni Josh.Na kasalukuyang nakikipaglampugan kay Mae! 'wag na kayong magtaka, na kahit nakatalikod ako kilala ko ang boses niya! Mahal ko eh!

O_O

Nagulat ako ng tingnan niya ako sa direksiyon ko. Tumigil na pala sila sa paglalampugan nila. Yumuko naman ako kaagad para mag iwas ng tingin sa kanya.

"... Si Jen na lang" sabi niya na ikinagulat ko.

"aishhh hindi nga pwede Josh! Makulit ka naman eh!" pacute na sabi ni Elane vice president ng klase. Parang nagulat din yata si Elane. Kung bakit ako pa ang sinuggest ng ultimate crush nila.

February 13 (One Shot)Where stories live. Discover now