Chapter 4

318 10 0
                                    

"KAILANGAN ko ba talagang sumama diyan?"

Napaupo ako sa sofa ng pumunta si Criza dito sa bahay para kulitin akong sumama sa high school reunion namin. Ayaw ko sanang sumama pero pinipilit niya ako dahil wala naman daw akong ginagawa rito. Sa susunod na buwan pa naman iyon kaya pumayag na lang din ako. Lalo na at officer ako noong high school, panigurado kukulitin din ako ng mga 'yon.

"Oo na! Sasama na ako. Lumayas ka na," sabi ko at tinulak ang balikat niya. She glared at me before pulling my hair.

"Gaga! Ganiyan ka na porket may asawa ka na?" She said while glaring at me, I laugh at her and shook my head.

"Siyempre joke lang 'yon." I said and pulled her beside me. She just laughed at me and pulled my hair to retaliate. Natawa na lang ako sa mga trip naming dalawa.

We just talked about some things; I also congratulate her since she was hired as a teacher in Bright Step. It's our dream, and she finally made it . . . and I am so proud of her. Kahit hindi ko na natupad ang plano ko, basta natupad niya ang pangarap niya. Masaya na ako.

We decided to bake after we talk. Mini celebration na rin dahil natanggap siya doon sa school na pangarap namin. Gumawa kami ng chocolate chip cookies. We used to do baking when we were high school. Nakahiligan na namin 'to simula no'ng naging cookery ang subject namin sa TLE.

"Ang sarap mo talagang mag bake!" She complimented me after we bake the cookies. Tumawa ako kumagat din sa ginawa naming cookies.

"Para namang 'di ka masarap mag bake ah," I mocked her. She just rolled her eyes and finish the last bite of the cookie. "Magdala ka nito sa apartment mo nang may ma baon ka kapag papasok sa school." I added. She just smiled at me and nodded.

Pagkatapos namin mag bake ng cookies ay nagluto naman kami ng carbonara. Gusto niya raw kumain no'n dahil na mi-miss niya ang pagkain doon sa canteen namin no'ng college. Ako na ang nagluto ng carbonara at siya naman doon sa chicken popcorn na ginawa niya.

"Tatambay na ako dito tuwing weekends kasi busog ako lagi," she said while laughing.

"Okay lang naman. Linggo lang din naman nandito si Lyle buong araw kaya free ka pumunta dito, ano." I spoke. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Eh anong ginagawa mo dito kapag wala ang asawa mo?" She asked. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Wala, wala akong ginagawa dito araw-araw bukod sa pagtatahi at pag gawa ng cross stich.

"Every morning I cooked breakfast for him. Kapag naman aalis na siya ay nagtatahi ako o nag c-cross stich." I answered. She just raises her brows at me.

"Ang boring ng buhay mo. Ayaw ko tuloy mag-asawa." She scoffs. Tumawa na lang ako at umiling.

Pagkatapos namin magluto ay kumain din agad kami. Gabi na rin ng makauwi si Criza dahil napasarap ang kuwentuhan namin. Pagkatapos kong ihatid so Criza sa labas ay naghanda na ako ng dinner ni Lyle. I just made a Celery Salad with Apples and Curry Chicken Kebab. Medyo busog pa naman ako at hindi naman masyadong kumakain ng kanin si Lyle.

After kong magluto ay doon na muna ako sa sofa naghintay. I took my laptop and searched for online job. Mas mabuti rin iyon nang may magawa ako rito. Hindi niya rin naman siguro ito malalaman. He's not here most of the time kaya puwede akong mag-trabaho.

I know he won't allow me to work, even if it's remotely. Para na rin may ipon ako at sariling pera para kila nanay at tatay. They're not getting any younger. Mas mabuting mabigyan ko na rin sila ng insurances dahil nakapag tapos na rin ako.

I just submitted my application sa isang online school. As long as I can teach, okay na ako ro'n. After I submitted my application, I checked some of my emails. The school of Bright Step emailed me about my interview kaya ni-reply-an ko na iyon na hindi na ako tutuloy.

The Forbearance WifeWhere stories live. Discover now