Kabanata 33

1.4K 112 47
                                    

Always

Hindi nawawala ang kasalanan sa isang paghingi lang ng tawad. Alam ko 'yon. Dahil lumaki akong makasalanan, gaya na lamang ng ibang tao sa mundong 'to.

Subalit hindi ko naman kailangan ang kapatawaran ng kahit na sino. Kahit pa galing sa Kanya. Sapagkat handa lang akong humingi ng tawad para mapagbigyan ang nag-iisang hiling. Kahit 'yon na lang at wala nang iba pa.

Kung sakali mang babawiin Niya ako, sana'y pakibilisan na lang. Gusto nilang piliin ko ang sarili ko ngayon. Kaya pipiliin ko 'to para sa sarili ko.

"Hala jusko! Doc! Nurse! Gising na po!"

But even then, even the simplest wish of all wishes was refused. Because here I am again in this world, staring right back at a white ceiling, staring right back at the reality I now refuse to be in.

Some detest death. And they end up dying. While some... wants nothing more but death, only to be brought back and "saved", when all these people did was to destroy every bit of what's left of a person.

Death isn't an answer nor a solution. But it can be a comfort to a tired soul—a kind of solace that life could never give.

Siguro ganoon ang naramdaman ni Asio nang dinala ko siya sa ospital. Siguro nga, sa gitna ng mga ngiti at sa munting pag-asang magsimula ulit ay ang 'di mapangalanang lungkot nang hindi ko siya mapagbigyan. Dahil lang hindi ko kayang wala siya. Dahil lang... gusto ko pa siyang manatili sa mundong 'to.

And the inevitable question came that most people probably won't bother thinking about. Because it haunts them. Because it asks the unquestionable. Because it puts them in this unwanted spotlight.

Do we save people because we want them to live? Or do we just don't want to carry the burden of the conscience that we know will never leave us?

At doon nawawala ang pagkakaiba ng pagsagip at pagiging malupit. Ang tanging natitira ay ang hubad na katotohanang tayo ay makasarili.

I wanted him to live. But he doesn't want to live. And where... just where does that fucking put me?

Hindi ako gumalaw mula sa pagkakahiga. Nakabukas lang ang aking mga mata, kitang-kita ang nag-aalalang mukha ng 'di ko kilala at ng doktor na tinitingnan ang kondisyon ko.

"Overfatigue 'to. Just make sure she gets the rest she needs. Don't stress her. Bawal ang ma-stress..."

Speaking unfamiliar words in an unfamiliar place with unfamiliar people. It's suffocating.

My eyes quickly shifted towards the graying skies outside the huge glass windows. It was a somber color, as if loneliness spoke in poetries in dark hues. So austere, so indifferent, yet so... melancholic.

Nalaman ko lang na umalis na ang doktor at ang kasama nitong nurse nang marahang bumukas ang pinto. At naiwan ako kasama ang isang babaeng may katandaan na.

"Naku, hija, wala pa si Jenna. Siya ang nagdala sa 'yo rito nang makita ka niyang bumagsak. Ako si Nanay Bennie, katulong ng pamilya Montemayor."

I couldn't speak properly. Mukhang nakuha niya naman ang gusto ko kaya agad niyang dinala ang isang baso ng tubig sa akin.

"I-Ilang araw na po ako rito?" tanong ko matapos uminom.

She looked worried, but a smile graced her face.

"Magdadalawang araw na. Nag-alala nga 'yong alaga ko, kasi akala niya'y 'di ka na magigising. Kakaalis niya lang para kumuha ng damit nang magising ka. Papunta na 'yon dito."

Sinubukan kong umupo. Pero parang nahihilo pa ako kaya wala akong ibang nagawa kundi humiga na lang ulit.

Lumapit naman ang matanda sa akin at inalalayan ako para maayos ang aking pagkakahiga. Tahimik lang akong nagpasalamat at muling pinikit ang mga mata sa pag-asang makakatulog muli. Pero bigo ako. Dahil ang tanging nasa isipan ko ay ang tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

A Second Past TimeWhere stories live. Discover now