piano(1)

1.7K 15 19
                                    

>>>>>>>>hope you like it   *;*  <<<<<<<<

 **********

"May tao ba dyan?. Buksan niyo to!!" sigaw niya.

Sigaw siya nang sigaw habang pinupokpok ang pinto.

Patay-sindi ang mga ilaw...

Kinilabutan siya. Naiiyak na siya sa takot.

Nagtataasan ang mga balahibo niya.

"Buksan niyo to!!" sigaw niyang muli at nilakasan pa ang paghampas.

Nang biglang....

Tumugtog ang piano..

Naestatwa siya. 

Tumigil ang pagtugtog..

Sobrang katahimikan.

Dahan-dahan siyang humarap..

"Ahhhhhh" sigaw niya. Nanlalaki ang mata at napahawak sa bibig. Takot na takot siya habang nakatingin sa babae...

Nakaupo ito sa harap ng piano . Mahaba ang buhok . Nakayuko ito at natatakpan ang mukha.

Nanginginig at naiiyak siya sa sobrang takot.

Pagtingin niya ulit sa babae..

Nanlaki ang mata niya.. Gumagapang na ito.. papunta sa kanya.

"Wag.. wag kang lalapit!!" umatras siya pero pintuan na ang nasa likod niya.

Mabagal itong gumagapang.. hanggang sa bumilis nang bumilis..Sumasabay sa pagpatay -sindi ng mga ilaw.

"Wag.. wag.. wag kang lalapit!" 

"Tulong..tulongan niyo ko!!" umiiyak niyang sigaw habang binabayo ang pinto.

Pagharap niyang muli...

"Wahhhhhhhhh!!!"

Nasa harap niya na ito. Napasiksik siya sa pinto.

"Wag!!!!"

**********

pianoWhere stories live. Discover now