32

571 24 1
                                    

Tita Kay
10:02 p.m.

Nagpunta daw jan ang Papa mo?

Bakit di mo man lang kinausap?

Uh, wala po ako kanina sa bahay tita.

Mas mahalaga pa ba yan kesa sa ama mo?

Wala naman pong kwenta ang tatay ko, lol| delete

Hindi mo pa rin ba napapatawad ang papa mo?

Deserve ba po n'ya, tita?

Aba ikaw bata ka!

Nakakahiya ka!

Maswerte ka nga't tinutustusan ka pa niya ng mga pangangailangan mo!

Tungkulin n'ya po 'yun, ah?

Ang Nanay mo nga ay napatawad na ang Papa mo

Tapos ikaw? Hindi pa rin?

Ang dami nang nagawa ng kapatid ko para sa inyo!

Mga mukha naman kayong pera!

Ginusto naman talaga ng nanay mo ang pagbubuntis para makahuthot ng pera sa pamilya namin!

Ang kapal ng mukha mong hindi siya patawarin! Wala ka namang maibuga!

Hindi ko ho kailangan ng pera ng kapatid mo.

Bakit hindi n'yo ho ipakulong?

Baka sakaling mapatawad ko kapag nasa loob na s'ya ng rehas.

Palibhasa kasi ginagamitan n'yo ng pera ang lahat ng bagay.

Hayaan n'yo ho, kapag kapantay ko na kayo, gagamitan ko rin ng pera ang kagaguhang ginawa ng kapatid mo.

Wala ka talagang utang na loob!

Sobrang close-minded mo!

[Twitter]

Who can reply?
Everyone
People you follow
✔︎Only people you mention

Who? @huwagkana
Sobrang bigat pa rin sa pakiramdam. Pangarap ko ring magkaroon ng buong pamilya eh. Pero... Bakit ganito ang ibinigay sa akin?

--

Who? @huwagkana
Nu'ng nakita ko kung paano alagaan ng tatay ni Elias ang asawa at anak n'ya, grabeng inggit ang naramdaman ko. Gusto ko rin ng ganoon eh. Gusto ko rin ng matinong tatay.

--

Who? @huwagkana
Dahil sa kaniya, nagkakaganito ako. Sobrang nakakagalit. Tapos ang sasabihin pa ng iba, patawarin ko na raw ang tatay ko. tangina pala eh bakit hindi sila ang tumindig sa sitwasyon ko????

Bits Of EcstasyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora