Kabanata 02

121 11 1
                                    

Kabanata 02



Question 

"Hindi ko alam na sumali ka pala sa pageant?" nakanguso kong aniya habang nakaupo sa kama.

Nandito ako ngayon sa bahay nila at bukas na 'yong pageant. May rehearsal sila bago mag simula. Aba't hindi man lang ako sinabihan nitong si Eve na 'to na sumali siya sa pageant. Now I know why I see her and Kent talking outside of the SSG office. I really can't imagine the cold Eve walking in front of a crowd with her poker face.

Napa-face palm ako sa naiisip ko. Patay talaga ako kay Eve nito.

"Hindi ka naman nag tanong, Fely?" she nagged.

Ngumiwi naman ako. "You should have at least informed me, Eve." Medyo nagtamtampo ang boses ko.

Bumuntong-hininga siyang humiga sa gilid ko. "Okay fine. I'm sorry, honeybunch sugar plamplam." Pagpapacute niya.

Sumimangot lang ako. I didn't answer her. Basta ko na lang siyang tinalikuran pahiga. Hindi naman ako galit. Wala lang, trip ko lang mag tampo. Ano ba? Gusto ko magtampo ano ngayon?

"Hoy!" Kinalabit niya ako. "Hindi mo yata bukambibig si Kent ngayon?" tanong niya.

Dahil nga kunwari akong nagtatampo ako sa kanya, nagpapanggap akong tulog at walang naririnig. On my side, I overheard her laughing. Hindi ko alam kung alam ba niya o ewan!

Hays ang hirap magtampo kapag marupok!

Nagtatampo ako, Eve! Pakisuyo ako, thanks.

Nang namalayan niyang hindi ko siya pinapansin. Naramdaman kong humiga siya sa kama.

"Alam mo, nag text sa 'kin si Kent," simula nito.

Hindi effective 'yan sa akin, Eve. Matigas ang tampo ko. Tse.

"Matulog na tayo, Eve," malamig kong untas.

"Uh-huh." She chuckled. "He texted me that your writing style is ugly, Fely. Tapos hindi niya daw gusto 'yong mga bulaklak na design mo. He thinks like, he is a girl!" Tili niya.


Napabangon ako doon. Mariin ko siyang tinitignan. Nagulat siya sa ginawa ko pero kaagad namang bumawi. Tumawa siya sa ginawa ko at umahon na rin.

"T-Totoo ba?" gulat kong untas.

Namilog ang mata ko at nakaawang ang labi ng tumango siya. Napapikit ako doon. Hindi ko alam kong bakit parang ang sakit sa dibdib ko na hindi man lang niya pinuri ang pinaghirapan ko. Alam ko naman 'yon, nagiinarte lang ako. Pero napaisip ako kung kailan kaya magugustuhan ni Kent lahat ng ginawa ko. I've been doing this for years, eagerly awaiting the moment when he would appreciate my effort. Kasi sabi nga nila, never give up on someone you love if you truly care about them. But I'm praying that he would be the right man, much like how love comes your way at the perfect moment. May saya dumulot sa puso ko na binasa niya 'yon pero sa nalalaman kong iniinsulto niya gawa ko. Aba! Hindi pwede 'yon!


"Felicity!"  Kent's voice reverberates across the theater, maliit lang 'yong theater namin. Isang classroom lang. 

Nandito ako dahil napagalitan ako ng Science teacher namin. Hindi naman masyadong nakakaapekto para sa iba, pero para sa akin ang laki na no'n. Wala naman siyang sinabing masama sa akin, sadyang malambot lang talaga ang puso ko kapag sinisigawan ako.

I immediately wiped all of my tears, before Kent went to me. Nakakunot ang noo niyang binuksan ang ilaw. Hilaw akong ngumiti sa kaniya at tumayo.  He approaches me in an aggressive manner at kaagad tinapon sa aking dibdib ang bulaklak. Sa gulat ko doon, napasalo pa ako. Namilog ang mga mata ko tumingin sa bulaklak na ngayon ay nabasag ang nga petals dahil sa pagtapon ni Kent. Binalik ko ang tingin sa kaniya. His face is angry and irritated.

How Love Grows (Completed)Where stories live. Discover now