✨ one shot ✨

1 0 0
                                    

I am savouring the moment with myself as the wind continue to sway my hair into the air. This is it. I will be someone’s wife at the end of the day. A wife to a husband I barely know of.

Kilala ko lang si Jayme dahil isa siya sa anak ng business partner ng mga magulang ko. Yes, we’re already in the 20th century yet they still do the ‘arrange marriage’ thing, which I don’t like. Pumayag lang naman akong magpakasal dahil ito ang huling habilin ni Lolo sa akin bago siya namatay. Of course, para sa negosyo nila. Yun lang naman ang importante sa kanila, negosyo, pera, reputasyon, kasikatan. Hindi na nila naiisip pahalagahan ang nararamdaman ng mga tao sa paligid nila. They were like robots.

“Ikakasal ka na talaga...” I wasn’t surprise with his presence, I memorized everything about him. Raji, my bestfriend ever since we were grade school.

I smile, a fake one. “Oo, eh.” Umupo ako sa buhangin, ganun din siya.

“Parang kailan lang sinabi natin sa isa’t isa na sabay tayong ikakasal, yun pala mauuna ka sa akin. Ang daya mo...” pilit niyang pinatutunog-biro ang sinabi niya, pero kilala ko si Raji.

“Magpakasal ka na rin, sabay tayo.” Sinasabayan ko nalang ang sinabi niya.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. At tumingin sa akin, “Hindi na pwede...” natigilan siya at agad ring nakabawi, “Ibig kong sabihin, hindi pa pwede. Marami pa akong gusting patunayan sa sarili ko para maging karapat-dapat ako sa babaeng gusto ko.”

Sana ako nalang yung babaeng gusto mo, Raj.

Napailing ako sa sariling naisip. “Ang swerte niya kung ganon...” mahinang sambit ko.

“Malapit nang lumubog ang araw, Ci. Balik ka na sa kwarto mo para makapag-ayos ka na. Pumunta lang ako dito para sabihin sayo yan.” Tumayo siya at pinagpagan ang kamay na may kaunting buhangin bago niya inilahad sa akin para alalayan akong tumayo.

“Hayy! So, this is it... I’m getting married.” I looked at him in the eye, hindi ko mabasa ang mga mata niya, it looks empty...and sad?

“Ikakasal ka, Ci. Dapat masaya ka.” He’s trying to cheer me up, but how can I be happy if he’s not the one I’m going to marry?

“Yeah right.” I smile. Pero alam naming pareho na peke iyon. Ganun namin ka kabisado ang bawat isa.

“Ci, please. It hurt me seeing you like this. Kung pwede lang kitang itakas ginawa ko na.” Pain is evident in his face. I’m hurting because he’s hurting.

“Hindi mo naman gagawin yan, alam ko. I know how much you respect my parents, you will not disappoint them.” Tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagtulong ng mga magulang ko sa kanila ng pamilya niya. But for the longest time that he worked for our family, he already paid it. Kami na nga ata ang may utang na loob sa kanya. If it’s not because of Raji, baka wala na ako dito sa mundo.

“Yeah, your parents.” He let out a sigh heavily.

“Can I get a hug from my bestfriend before I get married?” i asked in teary eyes.

“You don’t have to ask, Ci. Come here.” And he enveloped his arms around me. This is so comforting. Whenever I’m in his arms, it felt like home. I feel safe in his arms. I feel at ease.

“Ms. Cierra, are you ready?” the wedding organizer ask me.

Am I ready? I should be.

Tumango ako sa organizer at iginiya niya sa akin ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang kasal...ko.

Nagsimula nang tumugtug ang kanta, ‘Beautiful In White’. Yan ang gusto kong kanta na maririnig sa kasal ko habang naglalakad patungo sa harap ng kung saan naghihintay ang lalaking sasamahan ako sa habang buhay. Isang lalaki lang ang gusto kong makasama hanggang tumanda, at hindi si Jayme, kundi si Raji.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LOVE: UNTOLDWhere stories live. Discover now