ONE-SHOT STORY

8 1 0
                                    


" P A N D E M Y A "
By: SnowFrost_Ice10

" ---ayon sa record ng kaso na nadagdag sa lugar ng Iloilo ngayon ay naitalang may sampung katao ang positive sa COVID-19 sa lugar ng Pavia ngayong araw na ito. Ayon sa Western Visayas Hospital dahil sa padami ng padami ang mga kasu ay nauubusan na daw sila ng kwarto para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19. -----"

Habang nakikinig ng balita si Richard ay napatingin siya sa anak niyang bihis na bihis at gayo'y may pupuntahan daw ito.

" Oh Icene di mo ba narinig ang sabi sa balita? Kanina lang may mga positive nanaman ng COVID-19 sa Pavia? Ikaw saan ka nanaman pupunta't bihis na bihis ka?.."

" Tay may birthday nga po sa bahay ng kaibigan ko wag po kayung mag-alala may dala po akong alcohol at mask.. "

" Anak kahit na dapat ay nag-iingat pa din tayu.. "

" Uuwi naman po ako nay tsaka hindi naman ako sobrang ganda para malapitan ng covid covid na yan.. "

Napabuntong hininga ang ama't ina nito dahil sa sinabi ng anak nila. Simula pa lang nung una ay lahat ng gusto nito masusunod. Hindi nila mapigilan at mapagsabihan sapagkat hindi rin naman sumusunod sa payo ang batang babae.
Si Icene ay mag-isa nilang anak. At dahil nga sa pandemya ay naging online class na lang ang pag-aaral nito. Maraming hinhingi lalo na sa pera at kailangan daw ng load.

" Oh siya sige sumabay ka na sa akin at sabi ni kapitana ay ngayon ang pagkuha ng mga ayuda para sa bayan natin sa bawat pamilya.."

Matapos maayos ni Icene ang sapatos nito ay agad na itong bumaba sa ilalim para doon na lang hintayin ang ina niya.

" Oh  Ricardo nasan na ang anak mo? Aba't dapat bagu lumabas ay maghuhas muna siya ng kamay.."

" Ayun bumaba na .. "

" Hayst talagang bata iyang si Icene ay napakatigas ng ulo. "
Matapos makapaghugas ni Edna ng kaniyang kanay at makababa sa ilalim matapos magpaalam sa kaniyang asawa ay naabutan niya si Icene sa baba na nagpapay-pay ng kamay nito.

" Oh? Nasa labas ka na ng bahay hindi mo pa rin dinusuot yang mask mo.. Suotin mo na.."

" Nay pinagpapawisan nga ang bibig ko kapag nakasuot ako ng ganito.. "

" Mas mabuti ng mapagpawisan kesa sa ma covid ka. "

" Ang OA mo naman nay.. Sa Pavia pa yung Covid na yun malayo pa dito sa Leon.. "
" Ikaw talagang bata ka napakatigas ng ulo mo .. "

Nang masuot na ng anak niya ang mask ay sabay na silang naglakad sa sakayan ng jeep papunta sa kanilang bayan.
Sa pagsakay ng jeep ay kelangan din nila ng social distancing. May mga plastic cover ang bawat sakayan at kung sa eskwela lang sila ay tinatawag dito one-seat apart.
Matapos makasakay sa kotae ay bababa na sana si Icene ng pigilan siya ng kaniyang ina..

* Nay---.. "

" Hintayin mo silang makababa at baka isa sa kanila may covid mahawa ka pa.. "

" Tsk. "

Matapos makababa at makapagbayad sa kondoktor ng jeep na nasakyan ay agad naman silang nakahiwalay ng kaniyang ina sapagkat papunta ang ina niya sa gymnasium ng Leon at doon kukuhain ng personal anv ayuda na matatanggap ng kanilang pamilya.
Samantalang ang kaniyang anak naman ay atat na makapunta sa parkingan ng mga tricycle para makasakay at makapunta na agad sa birthday party nv kaniyang kaibigan.

" Anak, mag-iingat ka ah? Lagi mong isuot ang mask mo..Atsaka may alcohol jan lagi kang maglagay sa kamay mo..Bawal kang magtagal sa birthday party na iyun at baka may nag-iiuman mahuli pa kayu ng pulis. Alam mo namang bawal ang pag-iinuman ngayon at Covid..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

P A N D E M Y A Where stories live. Discover now