Chapter 32

1.6K 18 1
                                    

Chapter 32

Breathe George, breathe!

Inhale...hold your breath...exhale ng malakas

Inhale...hold your breath...exhale ng malakas

Wow, Be Careful with my heart lang ang drama a!

"Ala, bakit wala pa ring effect? Kainis!" malakas kong sabi habang nasa loob ako ng elevator papasok sa opisina. Buti na lang wala akong kasabay kundi baka pagkamalan akong naloloka.

Ilang araw na akong natetensyon. Di ko pa rin alam ang gagawin ko pag nakaharap ko uli sya. "Ayyyy!!! Mababaliw na yata ako! Kainis! Talaga!"

Bumukas ang elevator at pagpasok ko sa office namin ay natameme ako ng makita ko ang mga kasamahan kong natigilan at nakatitig lang sa akin. Walang umiimik. Walang gustong magsimula ng conversation. Pero lahat ng mga mata nila ay nakatuon lang sa akin. At ang mga tingin nila ay halo-halong emotions. May surprise, may malungkot, at parang may naaawa pa, pero parang isa lang ang gusto nilang sabihin sa akin, 'Ok ka lang ba?'

"What?" yun lang ang tanong ko sa kanila para mabasag ang katahimikan.

Si Grace ang unang nagsalita, "Ma'am, good morning! Merry Christmas!" still with the unsure look on her face, but she managed to hug me.

At para mawala na ang tension sa paligid masigla ko silang binati, "Merry Christmas guys!" parang nakuha naman nila ang gusto kong mangyari na parang deadma lang sana. Sana nga.

"Merry Christmas ma'am George!" sabay-sabay nilang bati

Pumasok na ako sa office ko pagkatapos. Nagbusy-busyhan. Pero di ko maiwasang paminsan-minsan ay ay tumingin sa labas particular sa table nya. Nya lang talaga. 'Yoko nga banggitin name nya.

Wala pa rin sya. Mukhang wala yata syang balak pumasok. Aba, porket ba sya ang papalit sa CEO e di na sya papasok? Hmmp! Sabagay, pwede nga kasi na di na sya dito papasok kundi sa main office na. Naku bakit ko ba inaabala ang isip ko sa kanya. Pakialam ko naman sa kanya no!

Pagkatapos kong abalahin ang sarili ko sa mga reports and feedback sa social network tungkol sa aming Christmas Campaign and Promos ay lumabas na ako para imeet ang staff ko.

Naupo kami sa conference/dining table namin. Natingin ako sa bakanteng upuan na usual na inuupuan 'nya'. Di ko namalayang nakatitig pala sa akin ang mga kasama ko. Tahimik lang sila. Nang mapansin ko iyon ay agad akong ngumiti at nagsimulang magsalita at idiscuss ang laman ng mga reports.

"So far, the feedbacks and comments from the public are good. There are some suggestions, but mostly good comments. So, I guess that means that our campaign's definitely a success! Let us just hope for the best and pray that the promo will continue to pick up! Congratulations to all of us guys! Good job!" proud kong sabi sa kanila at nagpalakpakan pa kami dahil sa magandang resulta ng Christmas promo namin.

"So this calls for a celebration! Blow out! Blow out!" sigaw pa ni Julio sabay taas ng softdrinks in can nya

Sumabay pa sa sigaw ang iba. At nagtatawanan na kami nang biglang may nagsalita mula sa likuran namin na nakatayo at nakasandal sa gilid ng divider. "My treat!"

Bigla kaming lumingon at natahimik, lalo na ako. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa lakas ng kabog nun. Parang natauhan naman ang iba at tumayo sabay bati sa kadarating lang. "Good afternoon sir!" sabay sabay na bati nila.

"Ano ba kayo? Napakapormal nyo naman, I'm still Jared, Red! I'm sorry I know I'm late, as in super late. Medyo naging busy lang, may inasikaso lang kasi ako e." napakamot pa sya sa batok nya habang cute na nakangiti. Nakakainis naman to, kahit nagagalit ako sa kanya, I can't deny na gwapo talaga sya. Georgina, tantanan!

By Chance (You & I)Where stories live. Discover now