PROLOGUE

5 0 0
                                    

Simula bata pa lang ay wala ng ginawa si Nathaniel Morgan kundi i-bully si Yumiko Alcantara. Parang hobby na yata ito ng lalaki. Feeling nga ni Yumiko ay hindi makokompleto ang araw nito kung hindi siya nito i-bully eh.

Lahat ginagawa niya upang iwasan ito. Pero hindi niya alam kung bakit natatagpuan pa rin siya nito! Bakit sunod ito ng sunod sa kaniya at tukso ng tukso.

Kung ibang babae lang ay kikiligin at matutuwa dahil nilalapitan sila ng isang Nathaniel Morgan...bakit naman hindi?Gwapo naman kasi ang bwisit na lalaki. Half-ausie at ideal ng mga babae kasi 'daw' cool, mabait, matalino, sweet, palangiti at saksakan ng gwapo! Pero wala siyang pakialam, hindi siya apektado sa kagwapuhan nito (Okay, medyo apektado siya? Medyo lang naman!) Gusto niya itong mawala sa buhay niya dahil sawang-sawa na siya, nakakaumay ng marinig ang 'tabs' na palagi nitong tinatawag sa kaniya.

Halos sambahin niya na lahat ng santo, mapaalis lang ang demonyong bakulaw.

Her pleads do come true after they graduated highschool. Umalis ang lalaki at dapat ay ikasaya niya ito.

Dapat ay ikasaya niya ito.

But why did her chest hurt and why did she feel so empty when he left? Like the man had taken her heart with him too.

AN:

Hi!I know this story trope was cliche, It's enemies to friends to lovers after all but I hope you still read it! I wrote this like 3 years ago, in my beat up notebook and I transferred it here! Gonna make revisions soon. I hope you enjoy it and God Bless❤️

LOVE-HATING MR.MORGANWhere stories live. Discover now