Kabanata 39

865 84 5
                                    

Niyakap agad ako ng mga kapatid namin pagkarating na pagkarating namin nina Papa at Kuya rito sa bahay. Para bang ilang taon nila akong hindi nakita.

Na-miss ko rin naman silang lahat, lalong-lalo na ang mga kakulitan nila. These past few weeks kasi ay naging tensyonado kaming lahat dahil sa mga nangyari.

Agad ding nagpaalam sa amin si Papa dahil kinailangan siya sa hospital.

Tinulungan naman ako ni Kuya Oval na iakyat ang mga gamit ko sa kuwarto. Magkaakbay pa nga kaming pumasok dito.

Umupo siya sa kama ko bago tuluyang humiga. Wala pang ilang segundo ay bumangon na ulit siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit?" tanong ko. Para naman kasing sinusuri niya ako nang mabuti.

"Parang tumaba ka."

Tinaasan ko nga ng kilay, "Oy, ilang araw lang akong nawala. Anong tumaba ka riyan!"

"Hmm." Hinimas-himas pa niya ang baba niya habang nakatingin sa akin. "Pumangit ka. Ang haggard mo."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Loko 'to, ah? Kauuwi ko lang, inasar na agad ako.

Hindi naman ako na-offend dahil alam ko naman ang totoo. Pero hindi kaya haggard ang itsura ko ngayon!

"Kumusta kayo rito?" pag-iiba ko sa usapan.

Kanina kasi ay mukha naman silang masaya noong nakita ako. Hindi nga lang nila masyadong pinapansin si Kuya Aux.

"Ang saya namin, Bubwit! Wala ka, eh!" Pumalakpak pa siya. Talagang trip niya akong asarin ngayon.

"Okay, aalis na lang ulit"

"'ge, subukan mo. Kakalbuhin talaga kita." May bahid ng inis ang boses niya ngayon.

Inirapan pa ako! Ang arte. Dinaig pa ako sa kaartehan. Tumabi na lang ako sa kaniya at niyakap siya patagilid.

"I'm sorry, Kuya," paglalambing ko. Ikinawit ko ang kanang braso ko sa kaliwang braso niya.

Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko, "Nag-alala kami. Alam naman naming hindi ka pababayaan ni Aux pero..."

Nag-angat ako ng tingin, "Pero ano?"

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa nito ang apat ko pang mga Kuya. Sabay-sabay silang lumapit at umupo sa kama ko. Si Kuya Ysmael naman ay lumuhod sa harapan ko.

"How's our little girl?" tanong ni Fourth sa akin.

Ngumiti ako pero biglang nawala ang ngiting iyon nang maalala ang mga sinabi ni Papa.

"Ayos ka lang ba?" muli nitong pagtatanong. Inayos pa niya ang hawi ng buhok ko bago tumabi sa kaliwang bahagi ko.

Napapagitnaan nila ako ni Second.

Tumayo ako at humarap sa kanilang lima. Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha nila.

How come na hindi ko nahalata na hindi ko talaga sila masyadong kamukha? I mean, oo, singkit din ako pero iba pa rin ang features ko kaysa sa kanila.

"Makatitig naman!" natatawang sambit ni Kuya Pio.

Pineke ko na lang ang ngiti ko.

Napatulala lang ako sa mga itsura nila habang patuloy na nagre-replay sa isip ko ang mga nalaman ko kanina.

Nang mapagod ako sa kaiisip, napabuga na lang ako ng hangin.

"Bakit sobrang bait ninyo sa akin?" pagigingkuryoso ko.

Nakita ko ang pagkunot ng mga noo ng iba kong mga Kuya. Malamang nagtataka sila kung bakit ganito ang tanong ko. Hindi pa kasi sila aware na alam ko na ang buong katotohanan.

Natatangi (A Stand-alone Novel)Where stories live. Discover now