Kabanata 16

500 13 0
                                    

Kabanata 16

Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin. Oo nga at ako ang nakipaghiwalay pero bobo ba talaga siya para hindi maramdaman na gusto kong siya naman ang maghirap? Na siya naman ang mag adjust. Bakit ang mga lalaki agad-agad pumapayag kapag sinabi mong gusto mong kumalas? Tapos makaraan ang ilang linggo, may bago na.

Patawa. Payaso yata si Paulo.

At ang nakakainis lang ay hindi ko magawang magmahal ng iba bukod sa kaniya. May ganito ba talaga? Siguro naman hindi ako nag iisa. Siguro naman may nakakaramdam din ng ganito.

"Hoy?"

Bumuntong hininga ako. "Ano?"

"Hindi ka na nakagalaw diyan? Kaya ayoko sabihin eh!" Pumalatak siya at biglang humarap ng puwesto sa akin. "Umamin ka nga, si Paulo pa rin ba?"

Hindi ako nakasagot kaya narinig ko pa ang pagpitik ng mga daliri niya. "Sinabi ko na nga ba! My god! Cael! Ang tagal na noon."

"Ang tagal na nga pero wala e. Ang hirap kasi. Kung puwede ko lang pilitin ang puso ko na magmahal ng iba! Noon ko pa ginawa."

"Hindi ko rin maintindihan bakit may mga taong ganiyan. Ang tagal magmove on. Siguro, dahil masyado niyong minahal? 'Yong tipong inimagine niyo na lahat ng puwedeng iimagine!" Aniya at umayos ng upo.

"Siguro nga. Baka binigay ko lahat."

"Hindi naman, girl." Lumingon ako sa kaniya. "Kay Sage mo naman binigay ang v-card mo, okay na 'yon."

"Gaga ka talaga!" Pabiro kong hinatak ang buhok niya kaya sumigaw si Liesa.

"Oh diba? At least hindi na sayang na kay Sage mo binigay! Hindi pa rin ako makapaniwala na natikman mo ang crush ko!"

Tumawa ako. "Hindi ko na rin naman maalala."

"Ay weh?" Sinilip niya ang mukha ko. "May nangyari bang kainan sa inyo?"

"Ano ba, Liesa!"

"Pavirgin oh!" Humalakhak siya. "Tanong lang e. May nangyaring ganoon?"

Uminit ang pisngi ko habang inaalala kung may nangyaring ganoon at lalo pa iyong uminit nang makumpirma na ginawa niya nga iyon sa akin. Hindi ako makapaniwala na iniisip ko ito ngayon.

"OMG! You're blushing!" Tinusok niya ang pisngi ko. "So may nangyari.."

"Ang daldal mo! Narito tayo para ipasyal si Chase!" Tumayo na ako at tinulak na ang stroller ni Chase saka naglibot-libot.

Walang tigil naman sa kabubukas ang bibig ni Liesa. Kung anu-ano ang mga ikinukuwento niya at ang mga predictions niya sa amin ni Sage.

Hawak ko si Chase sa likod habang mahinang tinutulak para gumalaw ang swing.

"Malay mo, kayo pala sa dulo diba?" Humagikhik siya. "Gosh! Excited na ako! Magpupustahan pala kami ni Eric!"

"Ewan ko sa 'yo, Liesa." Tiningnan ko si Chase na panay ang tawa habang mahigpit ang hawak sa kapitan. "Are you enjoying this baby?"

"Yep, Mama!"

Ngumiti ako nang hirap siyang lumingon sa akin ngunit ngiting-ngiti naman.

"Pero parang ang labo. Mahal na mahal niya si Dalmi e. Hay! Ano ba 'yan!"

Nilingon ko si Liesa na nababaliw na yata sa kaiisip sa mga nangyayari sa amin.

"Malabo talaga at hindi ko naman siya gusto!"

"Sus! Tapos mamaya pupunta ka sa aking luhaan dahil nagseselos ka sa dalawa!"

"Shuta. Saan mo nakukuha 'yan?" Nagugulat na tanong ko. Itinigil ko ang pagtulak kay Chase at binuhat muna siya saka hinarap ang baliw niyang Ninang. "Liesa, tigilan mo na 'yan. Walang mangyayaring ganoon. Kinikilabutan ako sa 'yo."

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now