Fres is the Key

21 5 17
                                    

"Sige na, bilisan mo lang!"

Halos mapatalon ako sa tuwa nang payagang makalabas ng campus.

"Thank you po, Sir!"

Ngiting-ngiti akong tumakbo papalabas ng gate at saka tinungo ang malapit na tindahan.

"Pabili po!"

Hindi pa man nakalilipas ang ilang segundo nang may lumabas ng tao. Siya siguro 'yung bagong tindero.

Magkasalubong ang mga kilay at hindi mai-drawing ang mukha nitong lumapit sa'kin.

"Ano?!"

Scary.

"Pitong Fres po"

"Ay Kuya! Pwede po bang pumili ako? Pipiliin ko lang po sana 'yung may mga magandang messages. Ibibigay ko po kasi 'to sa crush ko eh!" napangiti ako nang banggitin ko ang salitang crush.

Kinikilig ako!

"Hindi!"

Napanguso na lang ako nang marinig ang sagot niya.

Sabi ko nga hindi.

"Oh, ayan!"

Sana naman ayos ang mga messages nito.

Pagkabalik ko sa room ay agad ko ang mga itong inilabas mula sa plastic habang binabasa isa-isa 'yung message sa likod.

FOREVER FRIENDS

Goodbye

Nice try

It's a No!

Give Me A Break!

No Pain, No Gain

Say No to Drugs

Nanlumo ako nang mabasa lahat ng messages. Huhu! Ba't naman ganito?

Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa ang PINAKAMAMAHAL naming Escort.

50% na nga ang damage ng mood ko, mukha niya pa ang nakita ko. Why naman gano'n?

Napairap na lang ako nang magtama ang mga mata namin. Pero bumalik ang tingin ko nang makita ang bitbit nito.

Isang maliit na plastic na naglalaman ng mga Fres?!

Pakiramdam ko ay bumalik ang sigla sa katawan ko. Problem solved!

Tatayo na sana ako para humingi sa kanya ng isa, nang bigla akong mapatigil. Napabalik ako sa upuan nang maalala kung sino siya.

The person I hate the most!

Magkasalubong ang mga kilay kong sinulyapan siya sa may likod.

"Oh? Tingin-tingin mo diyan?"

Tuluyan na akong napaharap sa kanya nang marinig ang tanong niya.

"Assuming ka rin eh, no? Sa orasan po ako nakatingin, hindi sa'yo! Tabi nga diyan! Paharang-harang kasi ang ulo!" palusot ko.

Buti na lang talaga nasa may bandang likod niya lang nakapatong 'yung orasan.

Napangisi naman siya.

"Anong nginingisi-ngisi mo?!"

"Akala ko ba hindi ako ang tinitingnan mo?"

"Paano ko hindi makikita ang pangit mong ngisi, eh nakaharang ka diyan!"

"Oh, ayan!"

Titingnan ko na sana ang oras dahil umusog na nga siya, nang bumalik ang tingin ko sa kanya.

Fres is the KeyWhere stories live. Discover now