Chapter 7

12 1 0
                                    

Chapter 7

Kinabukasan ay nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil ayokong malate nanaman sa trabaho.

Papalabas na sana ko ng gate nang bumungad sakin ang sasakyan na ginagamit ni Grant.

Bumusina siya kaya lumapit ako ng kaunti sa salamin. Binaba naman niya ito at nakita ko kaagad na nakauniform siya.

Amoy na amoy ko ang pabango niya at hindi iyon masakit sa ilong. Sobrang manly ng amoy , dumagdag pa dito na mas nagmukha siyang malinis at anak mayaman talaga dahil naka school uniform siya, ang disente niya tignan kumpara sa suot kong tshirt at fitted jeans.

"Sumabay kana," aniya.

Napakunot ang noo ko at umiling, "May pila naman diyan ng tricycle, una kana."

Nakita ko rin kase ang tingin ni Kuya Romel sa amin. Hindi nga naman kase normal na sumabay sa amo mo.

"Hop in, malapit lang ang school ko sa trabaho mo."

Hindi na ko nagulat sa sinabi niya dahil totoo namang malapit lang ang coffee shop namin sa school nila. Halos mga estudyante rin doon ang nagiging customer namin.

Tinignan ko ang relo ko at twenty minutes nalang malelate na ko. Napakagat ako sa labi ko at nagmadaling umikot para sumakay sa kotse niya.

Pagkapasok ko ay para kong nagsisi agad. Parang gusto ko nalang tumalon palabas dahil kasama ko si Grant sa loob ng kotse niya! Kaming dalawa lang at hindi ako sanay sumakay sa kotse ng iba, lalo pa't kung ang makakasama ko ay anak ng amo ni Mama!

Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Tanging tunog lang ng mga sasakyan sa labas at pag busina niya ang bumabalot sa amin. Kung minsan ay pasimple ko siyang sinusulyapan pero focus lang siya sa pagmamaneho.

Gustuhin ko mang magsimula ng pag-uusapan ay wala akong maisip na pwedeng sabihin na may sense pagdating sa kanya. Nang malapit na kami sa coffee shop ay doon lamang ako naglakas loob basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Uhm, kahit dyan nalang sa may gilid," pagturo ko pa sa kalsada "ako nalang ang tatawid."

Hindi niya ko pinakinggan at itinawid niya ang kotse, pinarada niya ito sa mismong tapat ng coffee shop.

Napakamot ako sa ulo at nahihiyang tinanggal ang seat belt.

"S-Salamat, Grant." utal ko pang sabi at ilang segundo siyang hindi sumagot.

Matipid lang siyang tumango nang hindi tumitingin sa direksyon ko kaya iyon ang naging hudyat ko para bumaba na.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat at tinignan siya muli, "Thank you ulit."

Pagkasabi ko noon ay sinarado ko na ang pintuan ng kotse niya at naglakad na papunta sa coffee shop. Pero nakakailang hakbang palang ako ay muntikan na kong mapatalon sa gulat ng bumusina siya.

Hawak ko ang dibdib kong lumingon sa kanya. Nakababa na ang bintana ng kotse niya kaya kitang-kita ko ang naniningkit niyang mga mata sa pagkakasilaw sa sikat ng araw.

"Larisa!" sigaw niya.

"B-Bakit? May nakalimutan ba ko? May iuutos ka--"

"What time do your shift end?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya at kahit nalilito man ay sinagot ko ito.

"Alas sais ang out ko, bakit?"

Tumango siya, "I'll fetch you later, then come with me."

Bahagya pa akong lumapit sa kotse niya hanggang sa marinig ko ng maayos ang sinasabi niya.

Always YouWhere stories live. Discover now