Minho: Jealous?

13 10 6
                                    

Manonood kaya siya?

Nandito kami ngayon sa Melvin Jones Soccer Field dahil may laro kami ng soccer at kalaban namin sila Ghiro na boyfriend ni Sofia. Nagtext ako kay Lara na baka gusto niyang manood, pero hindi nga pala siya iyong tipo na gugustuhin ang maiingay at matataong lugar.

Inilabas ko ang cellphone ko pero hanggang ngayon wala pa din siyang reply. Umiling- iling na lang ako at yumuko. Tumingin ako sa mga bleachers pero si Sofia lang ang nakita ko. Kumaway siya sa akin kaya itinaas ko ang kamay ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

Umupo muna kami saglit habang hindi pa nagsisimula. Nasa likuran namin sila Sofia.

Mukhang mananalo na naman sila, hindi lang dahil nandito ang star player nila kung hindi dahil wala ako sa mood. Naglakas loob pa akong magtext sa kanya. Hindi naman pala siya pupunta.

Hindi kaya gawa ng nangyari kahapon? Eh, anong ngang magagawa ko? Hindi ko nga kasi mapigilan.

Nagvibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan 'yon. Si Sofia lang pala.

[Nandito crush mo. Ayiiee.]

Lumingon ako agad sa kinauupuan nila Sofia at nakita ko si Lara. Suot niya ang cap niya at nakatingin lang siya sa field. Kumaway sa akin si Sofia kaya napatingin sa akin si Lara. Nginitian ko siya at ngumiti naman siya sa akin. Pumito na ang referee kaya tumakbo na kami sa field. Hindi na mawala ang ngiti sa mukha ko.

"Paano ba 'yan, nandito si Ghiro? Mukhang mananalo na naman kami," pabirong sabi ni Aljhun, sa kabilang team. Mga friends din namin 'to pero pag dating sa field magkalaban kami. Nagpupustahan kasi kami at kapag nanalo sila, sagot namin ang dinner nila, pero kapag nanalo kami, libre nila.

"Mag- ambagan na kayo," mayabang na sabi ko sabay takbo at agaw ng bola sa kanya pero hindi pa ako nakakalapit sa goal ay naagaw agad ni Ghiro ang bola. Ano bang meron sa Ghiro na 'to at sobrang galing niya sa soccer? Ang hirap matalo ng team nila kapag nandito siya. Madalang kasi siyang maglaro dahil acads pa din ang focus niya at naglalaro lang siya kapag okay ang schedule niya.

"Minho!"

Napalingon ako kay Lester na teammate namin. Tumakbo na ako papalapit sa kanya para makuha ang bola sabay takbo papalapit sa goal. Pilit humahabol ang kabilang team pero dahil malapit na ako sa goal at mabilis akong tumakbo ay hindi na nila naagaw pa ang bola at nasipa ko na ito. Goal!

"Naks. Ang ganda ng laro mo, ah?" sabay tapik ni Lester sa balikat ko. Tinawanan ko lang siya sabay tingin kay Lara. Ngumiti siya sa akin. Uniwas agad ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga tingin niya. Napahawak ako sa batok ko at napakagat sa labi saka pinagpatuloy ang laro.

Tapos na ang 45 minutes at parehas na kaming nakagoal nila Ghiro. Break muna ng 15 minutes kaya naupo muna kami. Kinuha ko ang phone ko at nabasa ang text ni Lara.

[Sorry. Kailangan ko ng umalis. Nakiusap lang ako kay Mam Minzy.]

Tiningnan ko ang oras at malapit na nga mag 6pm. Okay lang naman kay Mama 'yon. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

[Sige. Ingat. Salamat sa pagpunta.]

Nakita ko pa siyang lumakad palabas. Pero okay na din, at least pumunta siya. Sa sobrang busy no'n dapat ko ng ipagpasalamat ang kahit konting oras na binibigay niya sa akin.

Natapos na ang laro at nanalo kami kaya naglakad na kami papunta ng restau namin para sa Samgyup Party na libre nila Ghiro.

"Naks! Iba! Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal!" sabi ni Sofia habang nakaakbay sa akin.

Inalis ko agad ang kamay niya.

"Parang pinagbigyan lang kami ng boyfriend mo, eh," sabi ko sa kanya sabay sulyap kay Ghiro pero nagkibit- balikat lang siya.

In Another Life, Astra (IALA) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now