09

13 2 0
                                    

The whole week was so tiring yet enjoyable. Papasok kami sa klase tapos ay pagtapak ng alas tres ay tutungo kaagad kami sa music room ni Des upang mag-ensayo.

Malaki naman ang music room ngunit mas gusto namin ang ambiance sa gym kaya kadalasan ay roon kami nag-eensayo.

Nagkataong kailangan ding mag-ensayo ng iba para sa theater act nila kaya napagpasyahan naming ipaubaya na sa kanila iyon. Mauuna naman sila kaysa sa music fest na sasalihan namin.

Desmond pursue me and so I continued pretending. The pain he caused me came back, and has faded immediately after my memories totally backed. It was replaced with love, adoration, warmth, and happiness.

However, hindi ko pa rin isusugal ang sarili ko sa kaniya nang ganoon lang kadali. At hindi ko pa rin aaminin sa kaniya ang totoo. Baka mag-take advantage pa siya at tumigil sa ginagawa. I love seeing him proving his feelings for me. At isa pa, there's always a perfect time.

He showered me love. Pero ika nga nila, "Fake it until you make it.". May times na hinahayaan ko siyang kontrolin ako dahil para sa ikabubuti ko naman iyon.

"Kami ang magbabayad ng pulutan. Kayo naman ang bahala sa drinks," banayad na pagkakasabi ni Blessie.

"Areglado!" tugon ni Leo bago hinigit ang mga kaibigan.

Last day na ng pagpra-practice, at last day na rin ng klase dahil christmas break na namin kinabukasan kaya napagpasyahan nilang mag-inuman. Mabuti na lang at sa bahay nila Jessica kami mag-iinom. Wala naman ang parents niya, at isa pa ay may rooftop sila.

"May trabaho ako, mga bruha. Hindi ako pupwedeng sumama. Baka hahabol na lang ako," I informed them. Jess smirked and lightly pulled my hair.

"Sanay na kami sa iyo. At naiintindihan naman namin," tugon ng babae.

Inilibot ko ang paningin ko saka ibinalik sa kanila ang tingin. "Nasaan si Clouie at Oliver?" I asked curiously. Aba't ngayon na lang ulit ako iniwan no'ng lalaking 'yon ah! Hindi pa nagpaalam ngayon. Nakapagdududa. Hmm?

Jess shrugged her shoulder. "Baka nasa room pa si Oli. Si Clouie, hindi ko alam. Hindi naman natin siya kaklase. Itanong mo na lang kay Andree."

Sa halip na magtanong ay hinigit ko na lang si Crizainna upang magpasama sa paghahanap sa lalaki.

"Bwisit naman kasi 'yang si Oli! Para siyang pusang bigla-bigla na lang susulpot. Tapos ngayon, bigla na lang nawawala," reklamo niya habang naglalad kami sa corridor.

I stopped when we reached our classroom. Sa loob ay may isang lalaki at isang babae. It's Clouie and Oli!

"Nan-"

"Shut up," I whispered. Naramdaman kong may tumayo sa likod namin at nakitingin.

"Si Clouie ang greatest love ni Oli. Kaso ay na-link si Clouie sa isang scandal - which she didn't wanted - kaya kinamuhian siya ni Oli noon. Ngayon, I think she's planning to take him back. But Oli likes someone else . . . or otherwise . . ." rinig kong saad ni Andree.

When Oli leaned closer to kiss the young lady, Zai entered the room without hesitation kaya naudlot ang binabalak ng lalaki.

Pinalis ko ang kumawalang luha na hindi ko man lang namalayang namuo kanina.

"Walang hiya. Kanina pa namin kayo hinahanap. Nag-alala tuloy 'tong si Yezhua sa 'yo, Oliver the Mushroom!" eksaheradang sabi ng babae. Binatukan siya ni Jess saka inirapan.

"Bunganga mo!" singhal ni Blessie. "Ang hilig mo pa namang magmura."

Zai tsked. Hinigit niya ang lalaki habang si Andree naman ay pinuntahan niya ang kaniyang kaibigan.

A Sweet Escape (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now