27

29 1 0
                                    

Third Person POV

"I'm home," bulong ni Agatha nang makapasok siya sa condo at si Venice lang ang nakakarinig niyon dahil nasa living room ito.

Iniwan ni Agatha ang kaniyang bag sa sahig pagkapasok nito ng condo. Nagtataka man si Venice na sinusundan ng tingin si Agatha ay hinayaan niya na lang tumakbo ito papunta sa kuwarto ni Vaughn.

Nang nasa pinto na ng kuwarto ni Vaughn si Agatha ay tumigil siya. Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago buksan ang pinto ng kuwarto. Nang buksan niya ang pinto ay napatili siya at mabilis na tumalikod nang bumungad sa kaniya ang bagong ligo lang na si Vaughn. May towel na nakaharang sa pang ibabang bahagi ng katawan niya at wala man lang itong pang-itaas.

"Hala anong nangyayari diyan?!?" sigaw ni Venice galing sa living room.

Rinig din nila ang mabilis nitong pagtakbo. Nakatalikod pa rin si Agatha nang makalapit sa kaniya si Venice. Si Vaughn naman ay agad na isinarado ang pinto ng kaniyang kuwarto. Nagtatakang tiningnan ni Venice si Agatha at ang pintuan saka siya ngumiwi at nagkamot sa kaniyang ulo dahil hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalawa.

"What happened?" tanong ni Venice na siya namang pagbukas ni Vaughn ng pinto kaya napatingin ang dalawang babae sa kaniya.

Nakasuot na ito ng damit ngayon.

"Hi, babe!" bati ni Vaughn kay Agatha na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mukha dahil sa nakita nito kanina.

May pigil na ngiti naman si Vaughn habang nakatingin kay Agatha.

"Oh! Naligo ka?" Tanong ni Venice at tinulak ang pinto.

Tumango lamang si Vaughn.

"Akala ko ba nilalagnat ka?" Nakasimangot na tanong ni Agatha.

"Oo, nilalagnat nga ako. Kailangan ko ata ng yakap mo, babe." ani Vaughn saka inakbayan si Agatha at agad namang naramadaman ni Agatha ang init ng katawan nito.

"Ang init mo!" nag-aalalang wika ni Agatha kay Vaughn.

Pumunta sila sa dining. Natatarantang lumapit si Agatha sa may lababo at nag-isip kung anong gagawin niya habang si Vaughn naman ay natatawang naupo habang pinapanood si Agatha na tahimik na nag-iisip.

Balak sanang magluto ni Agatha ngunit sinabihan siya ni Venice na nakaluto na ito ng makakain nila.

"Uuwi na rin ako pagkatapos niyong kumain. Walang kasama si Mama sa mansion. Baka magulat na lang ako marami ng tao sa amin dahil baka biglang mag p-party 'yon ng walang sabi sabi." natatawang sabi ni Venice kaya natawa naman si Agatha maliban kay Vaughn na seryoso lamang na sumusubo ng kaniyang mainit na sabaw.

Umalis din naman ka agad si Venice matapos nilang kumain kaya nagbalak na lang ang dalawa na manood na lang ng movie. Hindi namalayan ni Agatha na nakatulog na siya sa balikat ni Vaughn habang si Vaughn naman ay nakangiting tinititigan ang nakatulog na si Agatha. Hindi dahil sa panonood ng movie nakatulog si Agatha kundi sa pag-aalaga nito kay Vaughn habang nag m-movie marathon sila.

"I like you," bulong ni Vaughn.

Hinawakan ni Vaughn ang kamay ni Agatha saka niya ipinagsiklop at ipinagpatuloy ang panonood.

Rival's Euphoric Love (Heureuse Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora