Testimony 2

15 3 1
                                    

1 Peter 5:7 "Cast all your anxiety on Him, because He cares for you."

Mga kapatid, nais ko pong magbahagi ulit ng isang sitwasyon na kung saan ang Panginoon ay kumilos at gumawa ng himala sa aking buhay.

August 7 po ng hapon, ako po ay nakaupo at nakaharap sa salamin. Nung una po ay nakaharap lang ako dito ngunit ng malaunan ay bigla akong namroblema, namroblema po ako ng maalala ko 'yung kalalagayan ng aking ipin. Mayroon po akong apat na impacted tooth na dapat maoperahan. Ang bunot o opera ay nagkakahalaga po ng 7-10k bawat isa (Ang mahal po, 'di ba? Opo, mahal talaga). Kung susumahin po ay 28-40k ang mauubos ko. Sabi ko po nung time na 'yun, "Lord, ang dami pong gastusin ng ipin ko. Hindi ko po alam kung saan ako kukuha ng pera." Bukod po sa sakit sa bulsa ay naiisip ko rin 'yung sakit na dulot ng opera. Pagkaraan po ng ilang mga minuto ay ngumiti ako at sinabi sa Kaniya na, "Kayo na po ang bahala." Nilubayan ko na po ang pag-iisip. Ipinaubaya ko na po sa Panginoon ang lahat.

August 8, nung ako po ay nasa clinic para sa monthly adjustment, ibinalita po sa'kin ni doc na okay na raw po 'yung dalawa kong impacted, hindi na ooperahan. Nagmove na raw ho 'yung dalawa at 'yung dalawa naman ay under observation pa. Ang huling pag-uusap po namin tungkol sa aking mga impacted tooth ay ilang buwan na ang nakalipas, ngayon lang po talaga nabuksan 'yung tungkol dito at hindi rin talaga ako nag-eexpect na pwede pa palang magmove 'yun dahil ang una niyang sinabi ay apat talaga ang bubunutin. Nung time po na 'yon ay hindi ako makapaniwala, bakit? Dahil kahapon lang ay pinoproblema ko 'yun. Inisiip ko na agad na apat ang ooperahan sa'kin sa mga susunod na buwan at malaki laki 'yung gagastusin namin. Paglabas ko po ng clinic ay abot ang pasasalamat ko sa Panginoon. Abot ang pasasalamat ko sa Kaniya dahil hindi ko po sukat akalain na hindi lang Niya ako sa pinansyal na gastos iniwas kundi maging sa sakit na dulot ng opera. Imagine kung apat po 'yung tatanggalin sa'kin na impacted, bukod sa masakit sa bulsa, masakit na literal sa bunganga. Talaga pong hindi kayang abutin ng ating mga kaisipan ang pagkilos Panginoon. Tunay po na ang Diyos ay makapangyarihan. Tunay po na ang Diyos ay kumikilos sa ating mga buhay. Tunay po na ang Diyos ay tapat at maasahan. Sa Diyos po lahat ng kapurihan.

Ano man ang mga pinoproblema mo sa oras na 'to, itiwala mo sa Panginoon. Itiwala mo sa Panginoon lahat lahat sapagkat siya ay kikilos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Great is Thy FaithfulnessWhere stories live. Discover now