C20

1.1K 110 4
                                    

Jaydee's Pov

Napamulat ako nang aking mga mata at gulat na gulat ako nang makita si karla na ngayon ay nakatingin lang sa akin at sobrang lapit ng mukha niya ngayon. Napabangon ako bigla dahil doon nagulat din naman siya dahil halata yun sa reaksyon niya na ngayon ay namumula na.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko ngayon karla? Tsaka sa pagkakaalam ko nilock ko yung pintuan ng kwarto ah?" Takang tanong ko sabay tinakpan yung katawan ko naka sports bra lang kasi ako at nakasuot ng sobrang ikling short na mapagkakamalan mong brieg lang ganun.

"A-ah b-binigay sa akin ni Tita y-yung susi at tsaka sabi niya gisingin na daw kita dahil anong oras na , malapit na mag 4pm kaya bumangon kana dyan" nauutal na sabi niya sa akin hindi naman siya makatingin feeling ko nahihiya sya dahil naabutan ko siya nang ganun.

"Sige sunod nalang ako sa baba ah! Salamat sa pagising sa akin karla kahit nagising ako dahil sa anino mo na parang hahalikan na ako" hininaan ko lang yung pagkakasabi ko nung huli , may balak ba siyang halikan ako? Jaydee amfeeling mo ah di naman siguro ganun.

Lumabas na siya ng kwarto ko at kaagad na akong nagtungo sa may cr upang maligo nang mabilisan medyo nainitan ako dahil doon eh. Maya maya ay nakababa na ako at sinenyasan nalang ako ni tita na sumunod na sa kotse at naglakad na nga ako.

_________

At the Cemetery 🪦

Naglalakad na kami papunta sa puntod ni mommy at hindi ko nga maiwasan hindi maiyak ngayon. Matagal kong tiniis na hindi ipakita na sobrang nasasaktan ako ngunit ngayon na nandito na ko ay tila bay nanlalambot ako.

"Alam mo ba dong na sa kahuli hulihan ng buhay niya ay hinahanap ka niya? Gusto kitang sabihan na  ganun ang sitwasyon niya ngunit sabi niya sa akin ay ayaw niya daw na makita kang umiiyak habang tinitignan siya na ganun ang lagay ang gusto niyang mapicture out sa huling segundo ng buhay niya ay yung magkasama kayong dalawa na nakangiti" naiiyak na pagkukuwento ni tita na ngayon ay nakaakbay sa akin at pinapatahan ako sa pag iyak.

"Pinapasabi niya din sa akin na masaya daw siya na makita kang masaya sa pilipinas kasama yung taong mahal mo , oo nga pala speaking of minamahal kamusta kayo ni frances?" Biglang nagtuloy tuloy na ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata nang mabanggit niya si frances.

"Wala na po kami titaa , nakipaghiwalay siya sa akin dahil may nagawa akong hindi kanais nais in short parang nagloko ako ganun pero hindi ko naman ginusto yun tita kasi lasing ako at ayun yung time na nalaman kong namatay si mommy"  nanlaki naman ang mata ni tita at pati ni karla , napangiti nalang ako nang pilit para hindi na sila mag alala pa sa akin.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa matuntun na namin yung puntod ni mommy agad nang nagsindi si tita ng kandila at inilagay ko na yung dala kong pasalubong kay mommy at ayun ay yung paborito niyang piaya.

"Mommy? Sorry dahil hindi man lang kita nakita nang buhay , miss na miss na kita mommy at miss ko na yung yakap , halik at pag ko comfort mo sa akin sa tuwing nalulungkot ako" sa una ko palang na sinabi ay bumuhos na kaagad ang aking luha gayung dinudurog na naman ako.

"Patawad mommy dahil hindi ko naingatan ng mabuti si frances pasensya dahil sinira ko yung pangako ko sayo na papahalagahan ko siya at hindi ako gagawa nang kung ano mang ikakasira ng relasyon namin, alam kong alam mo ang nangyari mommy nung araw na yun at hindi ko talaga ginusto ang nangyari mommy" halos mapaluhod na ako dahil sa sobrang panghihina ko ngayon at niyakap nalang ako ni karla at niyakap ko na din siya pabalik ng napakahigpit.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now