Chapter 30: Jealous and Mad

669 20 3
                                    

Ryan POV

Kanina ko pa hinahanap si Ash.

Pano ba naman kase pagpunta ko pa lang sa bahay nila sabi ng Mom nya naglakad lang daw eh di ko naman alam kung saan na sya kaya inantay ko na lang sa school.

Pero di rin ako nakapasok sa klase hanggang break time dahil inutusan ako ng mga teacher na tumulong sa kanila.

Buti may konting oras pa sa break time kaya pumunta kaming cafeteria kasama ng mga tropa ko.

"Pre ayun si Ash oh kasama mga kaibigan nya at may isang lalaki?" sabi ni Renz

Di mamukhaan ni Renz kase medyo malabo na mata nito kaka ml haha

Teka? Parang si?

"Pre si Drake yon diba? Pano napunta yan dito?" agad na sabi ni Daniel

Oo nga noh! At close agad sila ni Ash? Kelan pa?

Mainit na talaga ulo ko dito kay Drake dahil alam nyo namang kalaban namin to sa gang, pero di ko alam kung bakit mas lalong uminit yung ulo ko nung sobrang lapit nya kay Ash.

Makikipagkamay na sana si Ash kay Drake ng alisin ko kamay ni Ash.

Mukhang nagulat ko yata sila.

"Nice to meet you again my mortal enemy" ako yung nakipagkamay sa kanya at tinitigan sya ng matagal.

Ash POV

Nagulat ako ng biglang nakipagkamay si Ryan kay Drake at sinabeng "Nice to meet you again my mortal enemy"

Mortal enemy?

"magkakilala kayo?" tanong ni Mael sa dalawa

Pero parang wala silang naririnig at nakikipagtitigan lang sa isa't isa.Kaya ako na nagtanong sa kanila.

"woy magkakilala ba ka—" tatanong ko pa sana ng bigla akong hatakin ni Ryan paalis ng cafeteria at dinala ako sa rooftop.

"Bitawan mo nga ako Ryan! Bat bigla ka bang nanghahatak dyan? Pwede ka namang magsabe eh" medyo iritado kong sabi

Pinatawad ko na sya tapos bigla pang nanghahatak dito.Ano kayang trip nito?

"Kelan mo pa nakilala yung gagong lalaki na yon?" naiinis nyang tanong

Ay bat galit to?

"kanina lang at tsaka bat mo ba ginagago yung tao inaano ka dyan? " tanong ko sa kanya

Halata pa ding naiinis sya na ewan haha

"kanina lang pala tapos makalapit sayo feeling close" inis pa nyang sabi

"Ano naman? Kaya nga sya magpapakilala kanina eh.Kung di ka ba naman bigla biglang nang aalis ng kamay dyan eh"

Inis pa din.Di ko alam bat nagagalit sya dahil lang don

"Pwede ba Ash iwasan mo nga yung lalaking yon.Di sya mabuting tao" makahulugan nyang sabi.

Di mabuti? Bat naman kaya?

"Pano mo naman nasabeng di mabuting tao yon? Dahil ba sa pananamit nyang ganon dito sa school? Tapos may hikaw sa kilay? Wag ka ngang mang judge dyan di mo naman kilala yung tao eh.Sabe nga Don't judge the book by it's cover." mahabang sabi ko sa kanya

"Ash you know that I'm a gangster right?" tanong nya tumango naman ako "In case you don't know he's a gangster and he's also our mortal enemy in gang kaya please lang lubayan mo sya" dugtong pa nya

Nagulat ako na gangster sya.So tama pala hinala ko base sa pananamit nya. Pero di ko pa naman sya nakikilala.Baka naman mabait talaga.Naging ganon lang dahil may pinagdadaanan.
"Porket gangster masamang tao na? Eh bakit ikaw gangster ka rin naman ah." sabi ko na nakangisi sa kanya.

Mas lalo namang nainis yung mukha nya.

"Iba ako sa kanya Ash.Makinig ka nga saken pwede ba? Tsaka wag ka na ngang lumapit don.Iwasan mo na sya" sabi nya

Wow sanaol demanding chos haha

"Ayoko nga.Sino ka ba para utusan ako.Di naman kita boyfriend ah." sabi ko pa sa kanya.Patigasan tayo ng ulo haha

"Kahit na layuan mo sya ayokong nakikita kang nakikipag usap don sa lalaking yon"

Kung boyfriend ko lang to iisipin kong nagseselos na to.Nagseselos nga ba?

"Bakit ba? Nagseselos ka ata eh" pang aasar ko. "And pwede ba wala kang karapatang sabihin sakin kung sinong lalapitan at iiwasan ko." di ko alam kung bat ko nasabi yon

Nagulat naman sya sa sinabe ko tapos

"H-hindi ah! assuming ka naman"
namula naman sya pero agad ding nagseryoso

"Pinapaiwas lang kita para di ka mapahamak.Kung ayaw mong makinig sa sinasabe ko edi bahala ka! Gawin mo kung anong gusto mo.Tama nga naman wala naman akong karapatang sabihin sayo yon.Di na kita papakielaman kung gusto mong lumapit sa Drake na yon.Basta nag warning na ako sayo." pagkasabi nya non tinalikuran na nya ako at iniwang mag isa sa rooftop.

Nagalit? Kaka ayos lang namin nung nakaraan eh tapos magkagalit na naman kami.Hays.

Pero na hurt ako don sa sinabe nyang di na nya ako papakielaman.

Wala na syang pake saken?

Parang naiiyak ako.Kainis na feelings kase to eh.Parang ambabaw ko tuloy pagdating sa kanya.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang