Kabanata 16

43.3K 2K 819
                                    


Warning: Medyo 🔞


Kabanata 16:

NANG magising ang aking diwa ay bumalik kaagad sa akin ang nangyari kagabi. The scenes in the couch, our little talks to his balcony, in his bed until I passed out. Unti-unti kong idinilat ang aking mata at hindi nga ako nagkamali, nasa kama niya ako.

Ni hindi ko na matandaan kung paano ako nahiga roon at kung gaano kami katagal nag-usap sa kanyang teresa at nang mangawit ay naupo kami sa kama. Inabot na ata kami ng alas-tres ng umaga dahil sa dami niyang tanong.

I sighed and looked at the man beside me, mabigat ang kanyang paghinga habang nakadapa at nakaharap ang mukha sa aking gawi, his border shoulder muscles were tight.

Dahil sa kanyang posisyon ay hindi ko maiwasan mas makita nang malapitan ang kanyang mahabang pilik-mata.

The sunlight from the open balcony brushed half of his face. His dark hair was messy, his lips were thin and red.

"Good morning," his voice made my knees go weak, my heart pumped blood through my veins.

Hindi na ako nagulat nang magsalita siya, kanina pa ba siya gising?

Dahan-dahan akong bumangon, gano'n pa rin ang aking suot. Walang nabago, nadagdag o nabawas.

"Dapat ginising mo ako nang makatulog ako para nakalipat ako sa kwarto ko," I whispered.

"Hmm," he mumbled, closing that topic.

Inalis ko na ang kumot na nakabalot sa ibabang parte ng aking katawan dahilan para lumantad din ang isang hita niya. He moved a little, hindi ko maiwasan mapatingin sa hita niyang nakalabas na sa itim na kumot.

I noticed his small hair on his tinted legs, nakasuot na lang siya ng boxer kaya malaya kong makita ang iba't ibang tattoo niya.

Hanggang saan kaya ang mga tattoo niya? Pwede pala iyan sa propesyon niya?

Mabilis akong pumasok sa banyo upang linisin ang aking mukha, nang lumabas ako ay naabutan ko siyang yakap-yakap na ang unan na ginamit ko.

Nang dumilat siya ay kaagad nagtama ang aming mata. He smiled at me.

"Gutom ka na ba?" paos ang kanyang boses.

Nag-iwas ako ng tingin dahil bumibilis ang tibok ng lintik kong puso. Sinabi ko ng huwag marupok pero hindi nakikinig sa akin.

Umawang ang labi ko at handa na sana siyang tarayan nang tumama ang aking mata sa pabilog na glass table sa gilid ng kanyang kama.

May pagkain ng nandoon. I saw heavy breakfast and our mugs.

"Kanina ka pa gising?" tanong ko.

Bumangon siya saka bahagyang ginulo ang kanyang buhok, nalaglag ang kumot sa kanyang kandungan. Nakita ko ang tamang ayos ng mga muscles niya sa bandang tiyan.

Of course, he work out everyday! May small gym siya sa bahay at ilang beses ko na siyang naabutan doon na nagbo-boxing o kaya naman ay nagli-lift.

Napanguso ako saka tumingin na lang sa mga pagkain sa lamesa, mukhang mainit pa naman ang mga iyon.

Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa kanyang gilid saka hinila papalapit ang lamesa sa kama.

"I know you're starving. Sunday, wala kang pasok hindi ba? May pupuntahan ka ba?"

Tumayo siya at pumunta sa banyo, para siguro magmumog. Nanatili akong nakatayo roon, hindi ko alam ang gagawin ko. Kung aalis ba ako o hihintayin siya, pero sa huli ay hinintay ko na rin siyang bumalik.

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon