13

18 1 0
                                    

Key Verse:

Colossians 3:1-4  1"Since, then, you have been raised with Christ, set your hearts on things above, where Christ is, seated at the right hand of God. 2 Set your minds on things above, not on earthly things. 3 For you died, and your life is now hidden with Christ in God. 4 When Christ, who is your life, appears, then you also will appear with him in glory."

Message:

• Kung nasaan ang Panginoon ay doon din natin ituon ang ating mga kaisipan. Ituon natin ang ating mga kaisipan sa mga bagay na makalangit at huwag rito sa maka sanlibutan. Kayamanan, Kagalingan, Kasikatan? Temporary lang 'yan. Hanggang dito lang 'yan sa lupang ginagalawan natin sa ngayon. Mas mag-invest po tayo sa mga bagay na makalangit, mas mag-invest po tayo doon sa buhay na pang habang buhay. Mas ituon po natin 'yung ating mga kaisipan kung paano natin mas mapapalalim pa ang relasyon natin sa Panginoon. Mas ituon po natin ang ating mga kaisipan kung paano tayo makasusunod sa kalooban ng Panginoon. Mas ituon po natin ang ating mga kaisipan na makamtan 'yung buhay na walang hanggan kasama ang Panginoon. Let us invest on heavenly things, not on earthly things. Ang mga bagay po sa lupa ay may hangganan. Ang mga bagay po sa langit ay panghabang buhay.

• Paano natin mararanasan na makatamtan ang mga bagay na nasa langit? Sumunod sa  kalooban ng Panginoon. Ang kailangan po nating gawin ay magpalalim nang magpalalim sa salita ng Diyos. Kailangan po nating makilala ng lubusan ang Panginoon. Kung tayo ay magbabasa lang bibliya ngunit wala namang application sa buhay ay wala rin, wala itong kabuluhan sa Panginoon. Bilang sumusunod sa Panginoon, kailangang nakikita ito sa ating pamumuhay.

• Kahit may problema, kahit may pagsubok o mga alalahanin, magpakatatag sa pananampalataya sa Panginoon. Huwag nating kalimutan na lagi nating kasama ang Panginoon.

• Walang kabuluhan sa Panginoon 'yung makatamtam mo yung pangarap mo, 'yung makatam mo 'yung mga gusto mo sa buhay kung hindi mo naman nakikilala ang Panginoon. Kung hindi ka naman nanamampalataya sa Kaniya. Kung hindi mo naman siya minamahal. Ang ibang mayayaman, makamtam man ang lahat, may nararamdaman silang pagkukulang, bakit? Dahil wala silang pagkakakilanlan sa Panginoon. Hindi pa sila nakakakilala sa Panginoon. Mga kapatid, lagi nating ituon ang ating mga isip sa Panginoon at hindi sa mga bagay bagay rito.

• Kapag nakatuon tayo sa pagkilos ng Panginoon, kahit may problema, nakakangiti pa rin, bakit? Dahil nararanasan po natin 'yung kabutihan ng Panginoon. Nararanasan po natin 'yung pagkilos ng Panginoon.

• Si Kristo ang buhay natin. Kapag wala ang Panginoon sa buhay natin ay walang saysay ang pamumuhay natin sa mundong ito. Kung wala tayong pagkakilala sa Panginoon, walang kabuluhan yung mga ginagawa natin dito. Ang Panginoon mismo ang buhay natin.

• Kapag naihayag natin ang pangalan ng Panginoong Hesus at muling Siyang nagbalik (second coming of Christ), kasama tayong maihahayag. Mararanasan natin yung kapangyarihan niya at 'yung karangalan. Bakit po? Dahil tayo ay nagpatuloy at nagsumikap na unahin 'yung Kaniyang kalooban.

• Pagsikapan natin na makatan 'yung buhay na walang hanggan o 'yung mga pangako ng Panginoon sa atin. Ituon natin 'yung ating kaisipan sa mga bagay na makalangit. Bilang mga Kristyano, ito po yung dapat nating gawin. Kung pinahahalagahan natin yung pagliligtas ng Panginoon sa buhay natin, 'wag nating makakalimutan na pagbulay bulayin ang salita ng Diyos. Huwag nating hayaan na mabaliwala 'yung pagliligtas sa'tin ng Panginoon. Damhin natin palagi yung pag-ibig ng Diyis. Pahalagahan natin 'yung ginawa ng Panginoon sa buhay natin. Yung pagliligtas ng Panginoon. Walang ibang makakagawa no'n kung hindi ang Panginoong Hesus mismo.

• Sa mundo na ito, kailangan ng patatagan, bakit? sapagkat ito ay pasama na ng pasama, pagulo na ng pagulo. Ang magtiis hanggang wakas ay maliligtas.

• Sumunod tayo sa kalooban ng Panginoon. Angkinin natin na ang Panginoon mismo ang kikilos sa ating buhay. At ang Panginoon mismo ang tutulong sa'tin na makasunod  sa Kaniyang kalooban. Hindi tayo iiwan ng Panginoon.

• Kapag tayo ay nakararanas ng prolema, panghawakan natin yung mga pangako ng Panginoon, 'yung mga ginagawa ng Panginoon, 'yung kabutihan ng Panginoon.

Knowing Thy WordsWhere stories live. Discover now