Pag kagapos

53 3 0
                                    

Ang pag kagapos ng aking mga kamay ay tila nga napaka hirap tanggalin.

Ang pag kagapos ng aking sarili sa isang nakaraan ay para bang isang bangungot na ka'y hirap gumising mula sa pag kakahimbing

Ang pag kagapos ng aking sarili'y para bang kay hirap itindihin

Hindi mawari kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa'kin..

Mag isang hinaharap ang mga bagay na hindi maipaliwanag
Tamang titig sa salamin sabay tanong "hanggang kailan kaba mag papanggap?"

Tamang iyak tuwing gabi habang ang mga magula'y walang kaalam alam,
Sobrang sakit na ng aking puso
At gusto ng sumuko..

Iniisip ang mga lubid sa mga ala-alang patuloy na gumagapos sa aking pag katao,
Bakit kay hirap putulin kung puro lamang sakit ang mga naranasan ko rito
Sakit at kirot ng bawat pag tulo ng luha'y kay hirap pigilin
Hanggang kailan ihahagulgol ang mga taong dumaan sa'king buhay at nag bigay ng sakit sa'kin?

●●●●●●●

Yce♡

tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon