CHAPTER 25 - Awaken

60 7 1
                                    

CHAPTER 25

Awaken



"FUCK, this can't be happening to us." Walang nagawa si Maui kundi ang mapatungo habang sapo ng magkabilang kamay ang buong mukha. Problemadong-problemado siya. Wala namang imik sina Via, Ken, Ryan at Makoy habang inaantay ring magising si Mavi. Ugong lamang ng aircon ang tanging maririnig sa buong kwarto. Wala na ni isang nagsalita sa magkakaibigan. Hanggang sa mapakislot si Via nang kusang gumalaw ang daliri ni Mavi. Nanlaki ang mga mata niya at tinawag ang atensyon ng iba pa.

"She's awake now," aniya at hindi mapigilang mapangiti dahil nakahinga na rin siya nang maluwag. Nagtipon-tipon sila sa paanan ng dalaga at hinihintay itong magmulat ng mata. Hindi nila mapigilang mapangiti nang kumura-kurap ito at saka mapatitig sa kisame.

"Mavi!" bulalas ni Makoy na hindi na mapigilang umiyak sa tuwa.

"We're glad that you're now awake," sambit ni Maui. Nakatitig lamang si Ryan sa dalaga at hindi malaman ang sasabihin. Ngunit sa loob-loob niya'y natutuwa rin itong makita na ligtas na sa kapahamakan si Mavi.

"I've had a bad dream," halos pabulong na wika ni Mavi at muling ipinikit ang mga mata na waring inaalala ang napanaginipan.

"About what?"

"About you, guys. About Raihana," sagot nito na naging dahilan para magkatinginan ang lima sa narinig. Hindi ito nakaligtas sa mapanuring paningin ni Mavi.

"Where is she?" Agad niyang hinagilap ng paningin ang maingay na babaeng nakagawian niyang makita tuwing imumulat niya ang kanyang mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog. Walang iba kundi si Raihana. "Ba't kulang kayo?" dagdag pa niya. Mas natameme sina Maui, Ken, Via, Ryan at Makoy. Hindi nila alam ang isasagot sa tanong ng kaibigan.

"Mavi. . . I think you need to take a rest first. We'll talk to you later, okay?" pag-iiba ni Maui sa usapan pero hindi siya pinakinggan ni Mavi. Nagpumilit pa itong bumangon. Pinigilan siya ni Ryan sa gagawin.

"Nasaan siya?"

"She's missing," diretsahang sagot ni Makoy na siyang ikinabigla ni Maui.

"Makoy!" suway niya pero huli na ang lahat. Nakita nila ang biglaang pagkagulat ni Mavi sa narinig at ang pagbabago ng awra nito. Umawang ang bibig ng dalaga upang magsalita ngunit walang lumabas na boses mula roon. Bago pa muling sumagot si Makoy ay sumabat na si Maui.

"Mavi, we'll tell you everything. Ipangako mo lang na wala nang mangyayari pang masama sa 'yo oras na malaman mo kung ano ang lagay niya. Please lang, magpagaling ka muna. Inaaksyunan na namin ang pagkawala niya," problemadong paliwanag ni Maui. Wala siyang natanggap na sagot mula sa dalaga. Nakatulala na ito muli sa kisame. Nagkatinginan ang magkakaibigan at nagsitanguan. Kanya-kanya silang alis upang lumabas muna at iwanan sina Maui at Mavi upang makapag-usap. Maging si Ryan na tila ayaw pang umalis sa tabi nito'y napilitang lumayo nang hatakin na siya ni Ken.

Humugot ng malalim na buntonghininga si Maui bago ikwento ang nangyari kay Raihana.



Sunod-sunod na katok ang bumasag sa katahimikan ng kwarto kung saan nag-iisa si Mavi. Malalim pa rin ang iniisip nito at nakatunganga pa rin. Sumilip si Ryan mula sa binuksang pinto kaya natuon rin sa kanya ang atensyon ng dalaga. Blangko itong napatitig sa kanya. Halos kumirot ang puso ni Ryan. May luha ito sa mga mata. Paniguradong nasaktan ito sa sinabi ni Maui kanina. Maging lahat naman sila'y nag-aalala kung nasaan na nga ba si Raihana?

"Can I... come in?" sambit ni Ryan at nag-aalinlangan na pumasok. Wala namang naging sagot ang dalaga kaya inakala nitong ayaw pa nito ng kausap. Akma na sanang isasara ni Ryan ang pintuan nang itaas ni Mavi ang hintuturo senyales na pumapayag itong papasukin siya. Napangiti siya nang tipid.

Nabalot na naman ng katahimikan ang kwarto. Nag-aatubili si Ryan na muling magsalita dahil maging siya'y hindi na rin alam ang sasabihin.

"I'm sorry," untag ng binata. Napapikit si Mavi at hindi umimik. Ngunit mayamaya'y sumagot rin ito, malayo sa sinabi ni Ryan.

"Where did the accident happen?" Tinutukoy niya ay ang pagkawala ni Raihana. Hindi malaman ni Ryan ang dapat isagot. Nangako siya kay Maui na hindi muna nila sasabihin ang buong detalye ng nangyari hangga't hindi pa tuluyang gumagaling si Mavi. Sadyang mapilit lang talaga ito.

"Mavi---"

"I'm asking you, Bonagua," seryosong saad ni Mavi. Nasapo na lamang ni Ryan ang mukha bilang tanda ng pagsuko.

"It happened in the bridge. People think it's not only a normal accident. Someone took her away after her car got crashed." Muling natahimik si Mavi nang sumagot siya. Tila malalim ang iniisip nito. Hindi gaya ng dati, hindi na mabasa ng binata ang emosyon na nararamdaman nito.

"Take me to that bridge, now." Halos manlaki ang mga mata ni Ryan sa narinig at muntik pa siyang mapatayo mula sa pagkakaupo sa mono block.

"Nababaliw ka ba? Mavi, this is not a good time. Magpagaling ka muna," kontra niya na ayaw sa binabalak ng kaibigan. Walang emosyong humarap sa kanya si Mavi.

"I'm begging you," pagmamakaawa pa nito na nagsisimula nang manubig ang mga mata sa sobrang desperasyon. Sarkastikong napangisi si Ryan at umiling-iling.

"No, you are not Maneskin to beg like that, Mavi." Kahit pabiro man, seryoso siya pagtanggi. "Hindi rin papaya ang doktor na i-discharge ka nang maaga. Alalahanin mong hindi ka pa gumagaling," dagdag pa niya.

"Then I'll discharge myself," desididong sambit ni Mavi at walang paligoy-ligoy na binunot ang swero na nasa kanyang braso. Napangiwi pa siya dahil sa kirot na naramdaman ngunit binalewala niya ito at sinunod pa ang isang nakakabit naman sa kabilang palapulsuhan.

"Tangina, Mavi! Huwag kang matigas ang ulo! Hindi ka na naman pwedeng mapahamak!"

"Raihana is missing and I can't just lay here doing nothing! Ryan, si Rai naman ang nasa panganib ngayon! How can you all be so patient in waiting wherein fact, she could've been tortured now because we're not doing anything to save her!" tili ni Mavi na siyang ikinabigla ni Ryan. Napalunok siya at parang maiiyak. May punto naman si Mavi. Ngunit sa ganitong pagkakataon ay pare-pareho lang silang hindi makaisip ng paraan kung paano hahanapin ang nawawalang kaibigan.

"If you're not gonna help me, then fine. I will go to that bridge myself and I won' return without finding any clue."

Hindi na nagawang pigilan ng binata si Mavi nang awtomatiko na itong umalis ng kama at iika-ikang naglakad palabas ng pinto.

"Mavi, wait!" habol ng natauhan na si Bonagua at agad kinuha ang dalawang facemask at isang jacket na nakapatong sa bedside table.



***

Don't Charge Me For The Crime (BOOK 1)Where stories live. Discover now