Possession 25

1.4K 77 9
                                    

Sapphire

I slowly open my eyes. My entire body feels light, but my chest weighs so heavy. Sa hindi inaasahang pangyayari, sunod-sunod na naglandas ang aking luha.

Sinubukan kong bumangon at napagtanto ko na naririto pa rin ako sa kapatagan kung saan naganap ang digmaan na hindi ko malilimutan. Lahat ng kasamahan ko ay nakahimlay pa rin sa lupa, at mukhang ako pa lang ang nagising.

Agad akong napalingon sa huling kinaroonan ni Astan. Sa wakas, wala na siya. Tuluyan na siyang naglaho.

Kahit nanghihina ang aking mga tuhod ay sinubukan ko pa ring tumayo. Ilang araw na ba ang nagdaan?

"Gising ka na."

Napalingon ako sa nagsalita at napasinghap ako nang maramdaman ko ang umaalon niyang kapangyarihan. Naramdaman ko na ito dati. Pero ang ikinagulat ko ngayon ay ang mukha ng isang napakagandang diyosa na nakangiti sa akin.

"Diyosa Cronalia," bulong ko. Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang Diyosa ng Oras at Kapalaran.

"Ako nga. Napakatagal mong nagising."

"Bakit nakikita kita? Bakit nakikita ko ang iyong mukha?" taka kong tanong. Wala kasi kaming kakayahang makita ang mga mukha ng tagalikha hanggang nabubuhay kami sa ibaba.

"Dahil ikaw ay pumanaw na, Sapphire. Ang iyong kaluluwa ay hindi na nabibilang sa mundong nilikha namin. Maglalakbay ka na patungo sa Sagradong Lupain."

Hindi ako makpagsalita dahil sa pagkagulat. Nanginig ang aking katawan.

"P-patay na ba talaga ako?"

"Ang Sapphyrius Stone ay ang iyong buhay, at tuluyan itong nabasag."

Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang pangarap. Gusto ko pang mahalin si Clyde nang walang pag-aalinlangan. Gusto ko pang gabayang ang bagong henerasyon. Pero lahat nang iyon ay wala nang saysay dahil wala na ako.

"Kung ganon, paano ako maglalakbay papuntan sa paroroonan ko?"

Napangiti siya sa akin. "Si Vlandesia, ang iyong ina, ay ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa hinaba-haba ng pagkakaibigan namin ay isang beses lang siya humiling sa akin. Ngayon lang."

Napakurap ako. Hindi ko alam na best friend niya pala si mama.

"Kaya hindi ko iyon matatanggihan, Sapphire. Bilang nag-iisang diyosa na may karapatang makialam sa mundong nilkha, papahintulutan pa kitang mabuhay. Huwag kang mangamba dahil may basbas din ito ni Lunaesia."

"A-ano?" naguguluhan kong tanong. Mas lalo pa akong naguluhan nang biglang sumulpot ang mga pamilyar na pigura sa aming paligid.

"Cronalia, I already made my decision a year ago. So, let her go," sambit ni Caldrix. Nasa tabi niya ngayon sina Gresha at Cassiopeia. Kapwa sila nakangiti sa akin.

"Laurent?" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumulpot. Napangiti siya sa akin at napakaway. Kasama niya si Queen Cleo na nakasuot ng kumikinang na kasuotan. Pati kutis niya ay kumikinang din.

"Hello, dear," bati ni Queen Cleo. "Nagandahan ka ba sa akin?"

"Anong nangyayari?" taka kong tanong.

"My child, hail your new goddess. I am now... the Goddess of Love."

"Can somebody tell me what's happening?" pangungulit ko na ikinatawa lang nila.

"Samahan mo akong maglakad, Sapphire."

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Cronalia palayo sa kanila. Nang lumingon ako sa pinanggalingan ko ay wala na sila roon.

Chosen To BeWhere stories live. Discover now