Part 33

217 10 0
                                    

                  Chapter 33
(Read this chapter with emotions para ma appreciate niyo ang story)

                 Sam POV.

"Paano mo nagawa ito?....paano mo nagawang itaga ang lahat ng ito?.....paano mo nagawang ipagkait kay kylee ang isang ama?"sunod² na tanong ni Kyle dahilan maiangat ko ang ulo ko at sinalubong ang titig niya at muli na namang sumiklab ang galit at sakit sa puso ko at muli na namang bumalik ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan

Gusto Kong matawa sa sinabi niya...Hindi niya ata alam kong anong sinasabi niya

"Bakit hindi mo nagawang sabihin ito Simula pa lang?"sigaw nya dahilan para magulat ako at ng lahat kase parang bumalik ang kyle na sinasaktan ako noon na parang bumalik ang kyle na heartless pero hindi ko pinansin Bagkus tumawa ako ng pagak dahilan para malito sya at magtataka

"Para saan pa?.....Bakit???......Kung sasabihin ko ba sayo dati na kyle buntis ako?kung sasabihin ko ba sayong kyle magkakaanak na tayo magiging masaya....matutuwa kaba na malaman kong buntis ako.....Hindi na man dibaaa?"umiiyak na sabi ko dahilan para matigilan sya at lumambot ang mukha niya

"Hindi ko sinabing buntis ako dahil para saan pa kong malalaman ko rin namang hindi mo matatanggap ang bata...na hindi mo kayang panagutan...na hindi ako ang gusto mong maging INA ng mga anak mo...hindi bato ang puso ko para hindi ako makaramdam ng sakit kyle....Hindi ako kasing lakas ng ibang tao na kaya niyang ipagpilitan ang anak nila sa taong hindi nila tanggap....Alam mo ba kong gaano kasakit malaman ko na hindi mo kayang tanggapin ang anak ko"mahabang sabi ko dahilan para manatili silang tahimik pero nagsimula na silang umiyak

"Naalala mo ba pa nong birthday ni Rose?"tanong ko pero hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako

"Pagkatapos nyo akong pinahiya umalis ako don at mag isang naglalakad sa daan ...umiiyak at nasasaktan at sa gabing yun nahimatay ako at dinala ako sa hospital at don ko nalaman na buntis ako.Alam mo ba Kong gaano ako kasaya ng malaman kongbuntis ako"

Part 34?


Excuse my typo

Secret Wife (Completed) Where stories live. Discover now