PROLOGUE

2.3K 19 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales or incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


This story has contains spoiler from Series #1, #2, and #3.

***

"Anong oras na ba? I-remind mo sakin kapag ala una i-medya na ate ah? Ate? Ate?"



Wala sa sariling tinakpan ko kaagad ang tainga ko at masamang nilingon si Brethanie ng maramdaman ko ang kanina pa niyang pangangalabit sa balikat ko. Abala ako ngayon sa pagco compute ng kung ano dahil sa dami nanaman ng babayaran namin kahit na kakabayad lang namin nung nakaraang buwan.



Kung tutuusin mas okay na ang buhay namin ngayon kumpara noong kasalukuyan na nag aaral pa ako. Lahat ng pangangailangan na kailangan rito sa bahay ngayon ay natutustusan ko na gamit ang sarili ko na pera. Sa awa ng diyos ay napagtapos ko na rin ng pag aaral si Brethanie the reason why she's now already a Licensed Professional Teacher. Tinuturuan niya yung mga makukulit na kinder.


"Oo na! Nakikita mo naman yung oras di'ba? Malayo pa. Kita mong sa alas diyes pa lang nakatutok yung kamay ng orasan eh." Singhal ko sabay turo sa orasan na nakapatong roon banda malapit sa divider. "Isa pa, bakit ano bang meron at ganong oras ka aalis? Alas dos ng hapon ang totoong schedule mo di'ba?"


"I had a meeting with my co-teachers ate." Ngumuso siya at pagkatapos ay umupo sa harapan ko para tignan ang ginagawa ko. Nang hindi siya makuntento ay kinuha niya iyon sandali sakin at nakataas niyang hinawakan iyon. Napailing ako at sandali na natigilan sa pagku kwenta ko ulit ng mga bayarin ng makita ko na magsilaglagan ang lahat ng nakaipit roon.


"Brethanie naman! Jusmiyo ka!" Inis na sabi ko matapos tumayo at maupo rin kaagad sandali sa bandang ilalim ng mesa para pulutin ang napakaraming papel na nagkalat na sa sahig. Naghalo halo na rin tuloy ang lahat na papel ng mga bills! 


"Ate...Why did you still have this with you?"


Bahagya akong napatigil sa pagpulot ko at mabilis na lumingon kay Brethanie. Halos lumaki ang mga mata ko ng makita ko ang hawak hawak niya na litrato. Litrato naming dalawa iyon nung panahon na sobrang ayos pa ng lahat sa amin. Bumuntong hininga ako at hinayaan lang siya na hawakan iyon.



Kung hindi ako nagkakamali, Kinuha namin ang litrato na iyon ng kasalukuyan kami na inimbitahan nila Chandria pati na rin ng asawa niyang si Aiden na mag double date sa cruise. I think it was the time a week ago before I leave went back to our province for some matters.



We we're both leaning ourselves to the railings while I was the one who holds the Monopod. Nakayakap at naka wrapped sa bewang ko ang kanyang kamay habang ang kanyang ulo naman ay nakasiksik sa pinaka gilid ng leeg ko. We're both looking also into each other while smiling. Doon ko lang rin nakita na nakasuot pa pala kami ng couple shirt roon.



Hindi ko inakala na may naitabi pa rin pala ako na litrato namin na dalawa kahit na ang iba roon ay inilagay at inilipat ko na sa isang organizing box na meron ako. Lahat iyon ay wala na sa kwarto ko at tinambak ko na sa storage room. Pakiramdam ko kasi kapag palagi ko na nakikita ang lahat ng may katungkulan sa kanya, parang bumabalik lang ulit sakin ang lahat ng sakit tungkol sa nadiskubre at nalaman ko.

The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now