PROLOGUE

6 3 0
                                    

"May ipagagawa ako sa iyo Agent Voltex, ito ay naghahalaga ng limang milyon."

"Ano iyon Agent Hawk? At ang laki naman ata ng halaga ng misyon na ito?" tanong ko at gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng kanyang mga labi.

He's always doing that face pag nagiging interesado ako sa mga misyon na binibigay niya sa'kin, lalo na pag malaki ang halaga ng misyon na iyon.

"Hulihin nyo ang anak ng presidente at ang dalawang milyon ay sayo. Alam mo ang mangyayare pag tumanggi ka pa sa misyon'g 'to Agent Voltex, pinagkatitiwalaan ka ng tao'ng mag-babayad ng malaki'ng halaga para sa misyon na ito, huwag ka sana'ng pumalpak." mahabang sabi nito.

"Masusunod." saka lang ako lumabas sa kanyang opisina nung sumenyas na siyang lumabas na ako.

Pag labas ko ng opisina niya ay hinila ako at hindi ko man lang alam kung sino ang humila sa akin.

"So Dark anong misyon ang binigay sayo ni Blake?" interesadong tanong nito.

Si Hunter lang pala kingina.

"Hulihin ang anak ng presidente, at wala akong magagawa kundi sundin ito or else *kreek*" sabay senyas na puputulan ng ulo.

Kaya natawa siya. At lumakad na ako papunta sa dining area, gutom na gutom na kasi ako. Nag ensayo kami kanina para sa biglaang mission na ibibigay ni Hawk sa amin at yun ay ang hulihin ang anak ng presidente.

"Nakaka-frustrate naman, ang akala ko madali lang yung misyon na ibibigay yun pala huhulihin ang anak ng presidente, ih panigurado madaming bantay yun." sabay yuko ni Gunner dahil sa pagkabigo nito at inakala niya magiging madali lang ang misyon na ibibigay sa amin.

Habang nag uusap kaming mag-babarkada ay may narinig kaming kalabog sa loob ng opisina ni Agent Hawk kaya nag madali kaming pumunta doon at nagulat kami ng natumba ang kanyang mesa at siya ay tamang upo lang sa swivel chair niya at nakikinig ng musika sa nakasaksak na earphone sa tenga niya.

“Hawk! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng kanyang assistant na si Grace.

"Oo okay lang ako, bakit ano ba ang nangyare?" tanong nito sakanyang assistant.

"Yun nga din ho ang tanong ko, bakit po na tumba ang mesa niyo?" tanong ng assistant niya.

"Aaa wala yan, natumba lang yan habang nakikinig ako ng musika."

Naka tayo lang kaming lahat doon sa harap niya at tinignan niya kami isa-isa.

"Ano pa ba ang inyong ginagawa sa harap ko?! Umalis na kayo, naka-iistorbo kayo." sigaw nito marahil ay di niya marinig ang sariling boses sa lakas ng musika niya.

TWISTED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon