56

21 13 0
                                    

Narration

Dahan-dahang iminulat ni Jayra ang kanyang paningin dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Hinawi pala ni Hannah ang kurtina at lumapit kay Jayra.


"Good Morning Jayra unnie," nakangiting bati ni Hannah habang hawak ang camera na nakatutok kay Jayra.


"Uy wag mo kong videohan," iniwas ni Jayra ang ulo at pilit na tinatakpan ang camera.


"Ang cute mo kaya matulog Jayra unnie. Katabi mo pa si Hello kitty," natatawang wika ni Hannah saka tinuro yung hello kita stuff toy.


"Oo na cute na. Nga pala, gising na sila?" Tumayo na si Jayra ang nag unat unat.


"Ne (Yes), kanina pa sila gising. Tinatawag na nga tayo para sabay-sabay na tayong mag almusal,"


Matapos magpalit ng damit ay bumaba na sila tsaka sabay-sabay na nag almusal. Ito ang first time na makakasama si Jayra sa almusal ng Bang family. Pero parang magkakakilala lang sila at nakaramdam si Jayra ng warmth. Dahil hindi nya nararamdaman na iba sya. Ramdam nya na parte sya ng pamilya. Natutuwa rin sya dahil mukhang magkakaclose talaga sila kahit na ang tagal nilang di magkakasama. Naaamaze lang si Jayra dahil wala naman syang kapatid, only child lang sya kaya di nya naranasan na may kakulitan sa bahay. Kaya naman sobrang natutuwa sya sa pagkukulitan at pagbibiruan ng magkakapatid.




Matapos kumain ay lumabas naman sila tsaka nag picture sa labas habang hindi pa masyadong mainit. Noong una ay nag picture silang magkakasama tapos umalis na muna ang parents ni Chan. Sina Chan at Lucas naman ay magkasama ring umalis. Magkasama pa rin si Hannah at Jayra na mag picture. Habang naglalakad ay dala ni Hannah ang camera nya para makapagvlog.




"Hi everyone! So we are here in this so beautiful resort. So beautiful just like me and Jayra unnie," nakangiting bati ni Hannah habang hawak ng camera.



"Hi everyone!" Nakangiting bati ni Jayra saka kumaway sa harapan ng camera.



"So unnie, excited ka na ba para mamaya?" Tanong ni Hannah habang nakatingin kay Jayra.


"Yes! Super. Ito kasi ang first time ko na makapag scuba diving. Takot kasi talaga ako sa pating kaya ayokong lumusong sa dagat. Pero dati lang yun hindi na ako takot ngayon," pagkukwento ni Jayra habang nakangiting nakatingin sa camera.



"Ahh takot ka pala sa pating. Hindi sa'kin naikwento yun ni Chan oppa. Speaking of my older brother, medyo naiinis pa rin ako sa kanya guys. Because he's keeping Jayra unnie for himself. I wanna talk to her ever since Chan oppa told us that he and Jayra were dating. Nakapaselfish talaga–"Hindi nya na natapos ang sasabihin ng biglang bumulaga sa kanila si Chan at Lucas.



"Wahhhhh! kamjagiya," napaupo si Jayra sa gulat habang si Hannah naman ay napahawak sa dibdib sa gulat.

( [Kamjagiya]  you scared me: An expression of surprise used when jolted by a sudden shock.)


"Hey! Ano bang trip nyo? Ba't ba kayo nanggugulat?!" Naiinis na wika ni Hannah.




"Uy hindi ako ang mastermind. Si Chan hyung yun," umiiling-iling na wika ni Lucas tsaka tinuro si Chan.





"Ha?! Ang balak ko nga sana tawagin lang kayo. Wala akong balak na gulatin–"Hindi na natapos ni Chan ang sasabihin dahil lumapit na sa kanila ang Papa nina Chan, Hannah at Lucas. Pinapunta na muna sila sa isang seminar about sa scuba diving.




Habang nasa seminar ay nakatutok lang sila sa harap at maiging nakikinig sa taong nag sasalita sa harapan. Ipinapaliwanag nito ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nag sscuba diving. Matapos nito ay tinulungan na silang mag suot ng scuba diving suit saka nagpunta na sa bangka. Unti-unti silang tinulungan sa mga scuba diving gear. Kinakabahan pa si Jayra dahil ang mga kasama nya ay nagdive na pero sya nakatulala pa rin sa tubig. Naalala nya na naman kasi yung mga shark movies na pinanood sa kanya ng mga kaibigan nya. 




Back To December [SKZ Fanfic]Where stories live. Discover now