Chapter One

14 2 0
                                    

Naramdaman ko ang unti-unting paghinto ng sasakyan. Kuya tapped me softly on the shoulder. My eyes fluttered as I opened them from my sleep. Kinusot ko ang mata ko at tinignan ang paligid.

"We're here." Kuya said. 

The white farmhouse I haven't caught a glimpse of in years greeted my view. Hindi na ako nakabalik pa dito simula nung umalis si Ate Catalina papuntang Amerika dahil mahigpit niya akong pinagbawalang bumisita dito. I didn't know what her reason was but I knew better than to disobey the eldest sibling. Ngayon ay napilitan akong suwayin ang utos niyang iyon dahil wala na akong ibang mapuntahan.

Lumabas sa farmhouse ang dalawa naming kasambahay at sila ang kumuha ng mga gamit na dala ko. I nodded my head at them with a smile and whispered a small thank you. 

"Welcome back, ma'am." Bati nila.

High school pa ako nung huli kong tapak sa lugar na 'to, pero wala namang mashadong pagbabago. Just like a regular provincial area, nothing majorly changed despite how long it's been.

"Hello, hija. Mamayang gabi pa ang uwi ng daddy mo. I'm glad to have you back here." Pagpasok ko ng bahay ay bumungad agad sa'kin ang malambing na boses ni Tita Maribel. She descended the steps and rushed to hug me. 

Isang simpleng yakap pabalik ang ginawad ko sa kanya. She's my dad's fiancée. After my mother died, she entered his life. Hindi magaan ang loob ko sa kanya dahil alam kong bago mamayapa si mama ay naging magkaibigan sila, and it never sat right with me how she became my mother's replacement. Parang traydor.

Pero para umiwas sa gulo, I do my best to respect her. 

Tumango ako, "I'll probably go for a walk around town." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "Kakagaling mo lang sa biyahe. Ayaw mo bang magpahinga muna?"

Umiling ako, "No, I've had my rest, thank you."

Tinanong ng mga kasambahay kung sa dating kwarto ko ba ilalapag ang mga gamit ko. I nodded softly and walked past them to find my brother. Naabutan ko siyang nakatayo pa rin sa gilid ng sasakyan, hawak ang phone niya at malawak ang ngisi. 

"Gala lang." Anunsyo ko pagkalapit sa kanya. 

He glanced at me and quickly put his phone away. 

"Do you wanna take the car?" Tanong niya.

Umiling ako, "Maglalakad lang ako." Kahit papano ay pamilyar pa rin ako sa lugar na ito at dahil wala namang maraming pasikot-sikot dito ay siguro naman hindi ako maliligaw. 

"Alright. Call me immediately if anything comes up." Aniya at binalik ang tingin sa phone.

"Be back home before 6, uuwi si Papa." Huling paalala niya bago ako naglakad palayo. 

Unlike most houses here, our farmhouse has a very tall gate. Karamihan sa mga bahay dito ay bukas lang ang lupa, o kung meron mang bakod ay fence lang. Our house were one of the few ones that had a gate, and a towering one at that. 

"Costariece? Bumalik ka na pala!" Rinig kong tawag sa'kin.

Nilingon ko ang bahay sa aking kanan at nakitang nakatayo si Tita Dallas doon, isang matagal nang kaibigan ni Papa at kapibahay. There was a wide smile on her face as she walked from her porch towards me. 

Nginitian ko siya, "Opo, Tita. Kakabalik ko lang po. Kamusta na?"

"Naku hija," She tilted her head, "Ako dapat nagtatanong sa'yo niyan! Nung huling balik mo dito eh tanda ko thirteen ka pa lang. Ang rinig ko, kolehiyala ka na ngayon, ah? Ang tagal mo ring nawala." Saad niya, sinusuri ang hitsura ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All Shades of WrongWhere stories live. Discover now