7: Siege Of Alberaz part 2

44 8 9
                                    

Dedicated to apriljoyoronoslazaro

Azinaya's Third POV

Patuloy pa rin sa pag-abante ang mga Murdorian.

Huminto ang mga ito ng may tatlongpung metro na ang pakitan. Ipinapalo ng mga ito ang espada nila at palako balikat nila na may armor.

Ilang sandali na lang at magkakaroon na ng matinding labanan.

Normal lang ang mga sundalo sa panig nila. Habang ang mga Murdorian ay may likas na lakas ng pangangatawan.

Sa ibang pagkakataon ay matatalo ang mga sundalo ng fortress pero dahil nakisali sila ay tiyak na ang pagkapanalo. Limang libo laban sa isang libo. Kahit saang anggulo tingnan ay lamang ang mga kalaban sa dami at lakas.

"Archers, paulanan ng mga palaso ang mga kalaban!" Sigaw niya na kaagad naman siyang sinunod.

Maraming Murdorian ang nasugatan at namatay. Naging hudyat na rin ito para patakbong sumugod ang mga Murdorian.

"Zebro, Albion, salubungin ninyo sila!" Muli niyang utos.

Kaagad na patakbong sumugod sina Albion kasama ng ilang libong mga kawal.

Nagkaroon ng mga banggaan ng mga sandata. Si Zebro, Albion, Marsuk, at Ziya, ay pumatay ng maraming Murdorian.

Nakita niya na hindi sapat ang tulong na naibibigay ng mga kasama niya. Malalakas ang mga ito pero parang pumapasok sa butas ng karayom ang mga kawal na nasa panig nila.

Mapapatay ng grupo niya ang lahat ng kalaban pero mamamatay din lahat ang mga kawal na nasa panig nila. Nais niyang isalba ang mga ito.

"Arfiona, paslangin mo ang mga Murdorian ng mabilisan." Kalmado niyang utos. "Xander, gamitin mo ang Satsude at pumaslang ng maramihan."

Kaagad na kumilos ang dalawa at sumali sa labanan. Ilang saglit pa ay maririnig na ang hiyawan ng daang-daan na nasusunog na Murdorian. Si Arfiona ang may gawa nito.

Kasunod ng pagkamatay ng maraming Murdorian sa itim na apoy ni Arfiona. Sunud-sunod din ang hiyawan ng kamatayan. Si Xander ang may gawa nito. Sa isang iglap lang ay daang-daan ang mga napatay nito gamit ang kakaibang bilis at lakas.

"Hindi ito kapani-paniwala! Mananalo tayo sa labanan!" Bulalas ng commander.

"Hindi mahihina ang bawat kasapi ng grupo namin." May pagmamalaki sa boses niya.

Si Xander at Arfiona ay may kakayahang pumaslang ng maraming kalaban sa loob ng maikling sandali. Habang ang iba pang kasapi ng grupo nila ay may lakas na kapantay o higit pa sa mga heneral ng Acrania.

"Taos puso akong nagpapasalamat sa pagdating ninyo at pagtulong." Madamdaming sabi ng commander. Namamasa ang mga mata nito na halatang pinipigilan lang na mapaiyak.

"Huwag ka munang magpasalamat. Hindi pa tapos ang labanan. Hindi pa natin ganap na nakakamit ang tagumpay.

Kalahating oras pa ang lumipas bago tuluyang mapatay lahat ng Murdorian. Ang tatlong diablo na angkan ng Lucifer na lang ang natitira.

Dito na siya umabante kasunod ng commander. Pumunta siya sa unahan. Sa normal na pagkakataon ay tatakas na ang tatlong diablo. Pero nanatiling kalmado ang mga ito.

Ngumisi siya. "Oras na para tapusin ang labang ito. Ako ang makakaharap ninyo."

Humalakhak ang pinakapinuno. "Ang angkan ng Lucifer ay hindi ganoong kahina!" Umabante ang dalawang diablo pagkasabi nito.

Kaagad na lumapit sa kanya si Albion. "Kamahalan, ako na ang haharap sa dalawang iyan."

Umiling siya at ikinupas ang kanang kamay para patahimikin si Albion. "Ako ang makakaharap ng dalawang iyan. Dumito lang kayo at panoorin ang laban ko."

THE LAST DEMON PRINCESS IIWhere stories live. Discover now