Chapter 9

6.9K 332 4
                                    

#CHAPTER09

Isinandal ko ang aking sarili sa railings ng balkonahe. Hindi ko na namalayan kung ilang beses ko na tinitipa ang aking hinututurong daliri sa sementadong railings dahil na din sa malayo ang aking tingin. Simula nang nagising ako ay hindi na maalis sa isipan ko ang napaginipan ko. Ang buong akala ko ay makikita ko lang kung anong meron sa hinaharap, pati rin pala ang nakaraan ay matutuklasan ko pa. Mas lalo hindi maalis sa isipan ko tungkol sa nakita ko---ang nakaraan ni Prinsipe Calevi. Ngayon ay nagiging malinaw na sa akin kung bakit nakita ko siya sa pook ng mahihirap na binubugbog. May koneksyon din pala 'yon sa sinabi ng binatilyo na nagligtas sa amin ng araw ding 'yon.

Kinagat ko ang aking labi saka ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Tama ba na sinabi ko kay Vencel na dito muna manatili ang prinsipe ng Severassi kahit pansamantala muna? Na ilayo ko muna siya sa babaeng nagtatangka sa kaniyang buhay? But there's more puzzle piece were missing. Where is his father? Bakit hindi man lang niya iniligtas ang sarili niyang anak? Ang unang prinsipe? Bakit hinahayaan naman niya ang pangalawang prinsipe naman ang umalis mula sa lupain nila? Hindi ba, dapat siya ang magpoprotekta sa mga ito?

Kumsabagay, malayo ang relasyon ng pamilya ni Calevi kaysa sa pamilya na nakagisnan ko. Kahit na kilala ang mga Eryndor sa pagiging malupit o walang puso ay busog naman ako sa pagmamahal na ibinibigay nila para sa akin kahit na sabihin natin na ang nanay ko ay isang hindi maharlikang tao na tulad ng mga naririnig ko.

Speaking of, hindi ko pa pala naitanong kay Vencel tungkol sa nanay ko. Ang totoo niyan ay gusto ko malaman tungkol sa kaniya noong siya'y nabubuhay pa. Madalas lang ako hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil habang lumalaki ako ay mas nagiging abala pa siya. Gustuhin ko rin itanong kay Raegan pero abala din siya sa kaniyang Chivalry Order na siya mismo ang nagtatag. Hindi ko rin maitanong sina Eomund at Cederic dahil alam ko ay wala pa silang muwang nang mga panahon na 'yon.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip pa lalo. Bakit ba kasi ang daming sikreto sa Palasyo?!

Nagpasya na akong umalis sa balkonahe para makaligo na. Sa pagkatapak ko sa aking silid ay sinalubong ako ng bow ng mga maid. Nilapitan ako ni Nesta, sinabihan niya ako na nakahanda na daw ang lahat para sa pagligo ko. Pinuntahan ko ang bathroom at tinulungan niya ako sa paghubad ng aking damit. Pagkatapos ay lumusong na ako sa bath tub. Tahimik lang ako nakababad sa tubig habang sinisimulan na niyang punasan ng puting tela ang aking balat. Ang isang maid naman ay abala sa pagsabon ng aking buhok. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa mapapagitan ng repleksyon ng tubig. Naalala ko, apat na taong gulang ako nang unang beses ko nakita ang aking sarili sa salamin. Doon ko napatunayan na magkaiba nga ang kulay ng aking mga mata. Namana ko ang isang mata ko sa kulay ng mata ni Vencel na pula. Eh ang kulay violet kaya? Namana ko ba ito sa aking ina?

"Nesta," malumbay kong tawag sa kaniya.

Bahagya siyang tumigil sa kaniyang ginagawa. "Ano po 'yon, mahal na prinsesa? May kailangan pa po ba kayo?" magiliw niyang tanong sa akin.

Seryoso akong lumingon sa kaniya. Humawak ako nang maigi sa bath tub. "Anong hitsura ng aking ina?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

Kita ko kung papaano siya natigilan sa aking tanong. Okay, I expected that. "M-mahal na prinsesa..." ang tangi niyang nasabi sa akin.

Agad ko din binawi ang aking tingin at tumalikod sa kaniya. "Hayaan mo na, Nesta. Tiningnan ko lang kung masasagot mo ang tanong ko." pagbawi ko pa. Umiba ako ng posisyon. Niyakap ko ang aking mga binti.

Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa aking katawan. "Hindi po isang ordinaryong babae ang inyong ina, kamahalan." nakangiti niyang tugon.

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na magawa niyang sagutin ang aking tanong. "Hindi siya ordinaryo?" ulit ko pa na hindi makapaniwala.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon