72

417 13 0
                                    

•Ford Hernandez
online

You called Ford Hernandez.
End the Call | Speaker

"Anong kailangan mo? Umuwi ka na sa inyo."

"Please, talk to me."

"Kausap na kita. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Umuwi ka na pagkatapos. Hindi ka ba naaawa sa mama mo? Alalang-alala na siguro iyon sa iyo."

"Nagpaalam ako."

"Kahit na. Umuwi ka na."

"Bakit ba hindi ka naniniwala?"

"Na ano?"

"Na gusto kita. Jenna, ikaw na ang gusto ko at hindi si Meena. Maniwala ka sa akin, please."

"Paano ako maniniwala? Eh hindi naman kapani-paniwala."

"I like you."

"Tss. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Like mo ako? Eh bakit binlock mo ako nitong nakaraan matapos mo akong paghintayin sa pagdating mo rito sa amin?"

"Jenna..."

"Hindi ka makasagot, 'di ba?"

"Dahil nalilito ako! I blocked you because I was so confused! Nakipagbalikan si Meena sa akin nang gabing iyon but you're the one who's on my mind. Noong inunblock kita, ilang beses kitang tinanong at piniga kung gusto mo na ako para makasigurado kung itutuloy ko pa o hindi. You said no, so plano ko na sanang itigil. But then I saw your unsent message. Iyon ang nagbigay sa akin ng courage to tell you how I feel."

"Ibang klase ka rin 'no?"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka naniniwala."

"Pwes naniniwala na ako! Ano, okay ka na? Pwede ka nang umuwi? Ayan, naniniwala na ako, matahimik ka lang."

"Jenna..."

You ended the call.
Okay | Call Again

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon