CHAPTER 5

26 5 0
                                    

(Johnson's POV)

Pagkatapos namin kumain sa Mang Inasal ay pumunta kamo sa arcade para maglaro kaming dalawa ni Ford. Una kaming naglaro sa basketball hotshot at nagpaligsahan kami sa paramihan ng bola na ma-shoot sa ring.

"Go Ford! Kaya mo 'yan!" nag-cheer ako kay Ford habang naglalaro kami.

"Syempre, hindi ako magpapatalo sa'yo at siguradong ililibre mo ako kung talo ka." sabi ni Ford habang confident sa kanyang sarili.

Nakatitig lang ako sa kanya at natulala ako habang naglalaro siya ng basketball hotshot. Di ko namalayan na ubos na pala ang oras ko.

"Excuse me po, kuya. Kami na ang maglalaro." nagulat ako nang nagsalita ang batang babae na nasa 12 to 14 ang edad na nasa likuran ko.

Pumalakpak si Ford dahil nanalo siya  as a result of marami siyang na-shoot na bola sa ring.

"Ililibre mo ako mamaya." paala ni Ford habang inakbayan niya ako.

Pagkatapos ay pumunta kaming dalawa sa dancing machine. Pareho kaming nag-enjoy sa pagsasayaw.

"Ang galing mo pala sumayaw." compliment ni Ford

"Ikaw rin naman eh!" tugon ko

Medyo nagkamali lang ako ng konti sa pagsasayaw ko dahil di ko sinundan ang steps ng feet ko habang nagsasayaw. Pagkatapos namin sumayaw ay pareho kaming humihingal at nagpalakpakan ang mga tao sa aming dalawa.

"Wow! Ang galing niyo!" sigaw ng babaeng kasing-edad lang namin.

Nag-bow kaming dalawa at magkahawak pa ang aming kamay. Maraming sumigaw na audience dahil kinikilig sila sa aming dalawa.

"Bukod sa napakagaling nilang sumayaw, ang sweet pa nila." sabi ng babaeng kasing-edad ni ate.

"Yes mars! Kanina ko pa sila napapansin simula noong naglalaro sila ng basketball hotshot." tugon ng bakla na kasama ng babae.

Maraming games ang nilalaro namin sa arcade at kahit saan kami maglaro ay parating nakatingin ang mga tao sa amin. Napansin nila na sweet kaming dalawa pero promise, walang label ang pinagsamahan namin. Dahil pagod kami sa kalalaro ay naisipan ko na pumunta kami ng claw machine.

"Go, Johnson!" sigaw ni Ford habang nag-cheer siya sa akin.

Masyadong nahihirapan ako sa pagkontrol ng claw machine pero sa wakas ay nakuha ko ang premyo na isang teddy bear. Laking tuwa ko nang lumabas ang teddy bear sa claw machine at kinuha ko.

"Paps, huwag mong kalimutan na ililibre mo ako." paalala ni Ford

"Yes, master!" pabirong tugon ko

(Ford's POV)

Malapit na ang gabi at sa first floor kami nagtagpo ng mga girls na kaibigan ni Jefferson dahil mag-dinner kami sa Jollibee.

"Nasaan sina Lyndon at Jefferson?" tanong ko

"Umuwi na sila dahil birthday ni Niccolo." sagot ni Geneva habang naglilipstick.

"Birthday ng pinsan ni Lyndon?" tanong ni Jefferson

"Yes, classmate rin namin ni Jeff si Niccolo." sagot ni Mandy

"Guys, punta na tayo ng Jollibee." saad ni Phoebe

Habang nag-order sina Geneva at Jefferson ay naghintay kami nina Mandy at Phoebe sa table namin. Nag-ring ang cellphone ko at tumawag sa akin si Lyndon.

*START OF CONVO*
Ford: Hello!
Lyndon: Sorry di kami makakapunta diyan.
Ford: Okey lang, alam namin dahil sinabihan kami ng mga kaibigan ni Jeff.
Lyndon: Birthday kasi ng pinsan ko ngayon na classmate rin ni Jepoy.
Ford: Di nga makapunta ang mga girls dahil gusto nila dito sa Jollibee mag-dinner.
Lyndon: Hayaan mo na sila, pakisabi na lang na magdadala ng BH ang papa ni Niccolo para sa kanilang tatlo.
Ford: Thank you! Sige, bye!
Lyndon: Bye!
*END OF CONVO*

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now