PROLOGUE

7 2 0
                                    

Narito kami ngayon sa pribadong beach resort ng kaibigan ng aking ina at tiyahin. ayoko naman talaga sanang sumama kaso lang ay ayaw ko rin namang maiwan na mag-isa sa bahay. Bukod don ay kasama din naman ang pinsan ko at ang kaniyang nobyo kaya paniguradong hindi ako maa-out of place dito.

"Eliza, halika, lumangoy tayo." Bigla ay anyaya saakin ng pinsan kong si Clea.

"Pero...Malalim na ang gabi. Hindi natin alam kung ano ang nasa ilalim ng tubig na iyan Clea." Sagot ko na sumulyap pa sa madilim na karagatan.

Tanging hampas ng mga alon at ingay  ng mga lasing na matatanda lang ang aming nadidinig na nagmumula sa bahay ng kaibigan ng aking ina.

"Anu ka ba, wala 'yan. Halika na dali, masarap ang tubig. Malamig." Tuwang tuwang aniya at saka ako hinila patungo sa pangpang. Wala na akong nagawa ng tuluyan niya akong mahila at pareho kaming madapa sa tubig na ikinatawa namin pareho.

May mangilan ngilan din namang lumalangoy at nagtatampisaw rin sa malamig at madilim kasama namin kaya medyo napanatag ako na walang masamang mangyayari saamin.

"Bakit ba kasi ako pa ang inaya mo? Nasang ang boyfriend mo?" Tanong ko sakaniya habang yakap ang aking sarili. Napakalamig naman, sa tingin ko ay lalagnatin ako pag ahon namin.

"Naroon at nakikipag inuman sa anak ng ninang ko." Aniyang ang tinutukoy ay ang anak ng kaibigan ng aking ina.

"Saakin ka mamaya tumabing matulog, Clea." Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Eto naman, huwag kang mag-alala at malaki ang respeto sakin ni Julius, hindi ako gagalawin non."  nakangusong sagot niya.

"Kahit na, saakin ka parin tatabi." Palibhasa ay mas matanda kaya naggawa ko siyang pag sabihan.

Nakanguso naman siyang tumango tango kaya napangiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Nasa tamang edad naman na kaming pareho at mas matanda lang ako ng isang taon sa kaniya pero kailangan muna naming makapag tapos bago kami payagan ng aming mga magulang na tumabing matulog sa lalaki.

"Sige na mag iinom din kasi tayong dalawa mamaya kaya wag ka na ngumuso jan." Natatawa suway ko sakaniya dahil talagang ang tulis na ng nguso niya.

"Nauuna ka naman laging maka tulog saakin e." Biglang ngisi niya. Totoong mabilis akong mahilo sa inuman kaya naman ayokong napaparami. Pero kung kaming dalawa lang ni Clea ay talagang sumusugal ako.

"Edi...isang bote lang ang inumin natin. Maaga pa din naman ang uwi natin bukas." Sabi ko habang tumatalon talon sa tubig kagaya niya.

"Hmm, sige. Dalawa lang naman tayo e. Oh siya tara na nga, nilalamig na ako." Aniya habang yakap din ang sarili.

"Wait." Bigla ay pigil niya saakin nang astang lalangay na ako papuntang pangpang.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Tumalon talon pa siya at biglang nangunot ang kaniyang noo na mas lalong ipinagtaka ko.

"Clea, bakit?" Medyo nag-aalala nang tanong ko. Sa isip ko ay baka napulikat na s'ya. Pero nagulat ako ng bigla ay sumisid siya at pagkaahon ay inangat ang kamay niya.

"Ano yan?" Tanong ko na nilapitan pa siya.

"Salamin? Nice, ang ganda naman neto. Sa tinging ko ay mayaman ang may ari neto." Nakangiwi at tumatango tangong aniya habang pinagmamasdan ang gintong salamin na sa tingin ko ay naapakan niya kanina.

"Patingin." Kinuha ko iyon sakaniya at namangha rin dahil sa ganda niyon. Halatang luma na iyon at matagal nang nakapailalim sa buhangin ng dagat.

"Halika na nga at ilubog mo na ulit yan sa tubig. Baka mamaya ay kung sino pa ang may ari nyan." Aniya saka nanguna nang lumangoy patungo sa pampang. Ngunit sa halip na makinig ay ibinulsa ko ang salamin at saka lang sumunod sa kaniya.

Nang makaahon kami at pabalik na sa bahay ng kaibigan ng mama ko ay napansin kong tila may mga matang nakasunod saamin.

Huminto ako at lumingon sa aming likuran ngunit wala akong makitang kahit na ano doon maliban saamin. Naiiling na napabuntong hininga ako saka ipinagpatuloy ang pag lalakad ng mapansing nangunguna na saakin si Clea pabalik sa pansamantala namin tutuluyan.

Ngunit ayun nanaman ang pakiramdam na tila may naka sunod saakin kaya mabilis akong tumalikod at hinanap kung sino man ang pangahas na sumusunod saakin. Ngunit kagaya kanina ay wala akong nakita.

Ilang saglit pa sa paglilibot ko ng paningin ay bigla namang umihip ang napakalakas na hangin na naging dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko. Nayakap ko ang basa ko pang katawan at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat at takot ng makitang may matandang babae nang nasa harap ko!

"S-sino ho kayo?" Tanong ko nang makabawi sa pagka bigla at takot.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Mahaba ang suot nitong duster na may mahahabang butas, tila kinalmot ng kung sinong hayop. Maputi din ang kaniyang buhok.. Halos umabot na iyon hanggang sa kaniyang tuhod. At ang mata niyang diretsong nakatingin saakin ay ang nagbigay saakin ng kung anong kilabot na hindi ko alam kung ano ang dahilan.

"Tumakbo ka na, at huwag ka nang lilingon pa." Aniya na nakadagdag pa sa kilabot na kanina ko pa nararamdaman. "Kung hindi ay..." Lumapit siya saakin kaya naman naipikit ko ang aking mga mata. itinapat niya ang bibig sa tainga ko saka sinabing. "Mamamatay ka."

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. At mas lalo pa iyong nanlaki ng makita wala na ang matandang iyon sa harap ko. Inilibot ko ang aking paningin at nang hindi ko siya makita ay agad akong tumakbo pabalik sa bahay ng kaibigan ng aking ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EL ESPEJOWhere stories live. Discover now