Chapter 1

1.4K 22 9
                                    

"HAPPY LEGALITY, CEHLANI!"

Napangiti ako ng bumungad sa aking harapan si mama at papa na may bitbit na cake saka balloons. May pahabol pa na confetti yung kapatid kong si Lace.

"Mag-wish ka na, anak!"

I closed my eyes and made a wish. My one and only wish is, maging Kapitana sa pinakamalaking international airline. Unta puhon.

Pagkatapos kong mag-wish ay inihipan ko na yung kandila. Nginitian ko naman silang tatlo saka hinalikan sila sa kanilang mga pisngi.

"Thank you sa pa surprise ma, pa at Lace!" Pasasalamat ko sa kanila.

Bumaba na kami sa dining area para kumain ng breakfast. Mamayang hapon ay may handaan na magaganap do'n sa resort namin para i-celebrate yung birthday ko with my friends and family.

Kahapon lang ako dumating dito sa bahay, since do'n na ako sa syudad nang Cebu nag-aaral, madalang nalang akong umuwi dito sa probinsya namin. Kung meron sanang nag-o-offer ng kurso ko dito, aba'y dito nalang ako mag-aaral sa Toledo, kaso wala eh.

"Have you invited your friends already, Nak-nak?" Papa asked me in the middle of eating.

"Yes, Pa! They will be coming early later," I replied. "I will go to Costa after lunch, since I have a quiz around 10:30 pa kasi."

"Okay, Cehl. I'll just tell Jessie about it." Saad ni mama. "Just finish your activities and quizzes, at kami naman ng papa mo at si Lace ay pupunta na sa Costa mamaya."

Mama was the one who planned for my debut party. I actually want a simple celebration for my debut, but my parents insisted that, they will give me the most memorable debut of my life. Dahil once in a life time ka lang maging eighteen.

They let me pick the theme that I want and I chose black-white palette as my theme. Well, my favorite color is black, so why not? At isa pa, hindi naman sila nagreklamo sa pinili kong theme kaya sinagad ko na.

"ANG GANDA-GANDA MO TALAGA, CEHLANI!"

Napangiti ako kay Jessie dahil sa kanyang komplemento. Matagal na niya akong inaya na sumali ng mga pageant, kaso hindi ko talaga hilig ang mga ganyan. Nakaka-umay kasi kapag nasa stage ka na tapos may question and answer portion pa.

"Nako, Tita! Gaganda lang naman ako sa t'wing mini-make-up-on mo ako." Saad ko.

"Bagay sa 'yo maging beauty queen!" She pretended to put a crown on me while facing the mirror. "Pak! Miss Universe 2015, Cehlani Reagan Vegano!"

Tumawa lang ako sa sinabi niya. Ito talaga si Tita Jessie, palabiro. Kahit ano pang pilit niya na pasalihin ako ng pageant ay mananatili pa ring hindi ko yung isasagot ko.

Eksakto ding tinawag kami ng coordinator na kailangan ko nang pumunta sa hall dahil magsisimula na daw yung party. Pagdating ko sa hall ay nakita ko sila Seirra, Fifteen, at Yes na naghihintay sa akin.

"CEEEEEEEEEEEHLANI!"

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses ni Yes, nang mapansin niya ako. Tumakbo na sila papalit sa akin saka niyakap ako.

"Ganda naman dis gurl!" Komplemento ni Seirra sa akin. "Ganda naman nitong ginawa ni Tita sa 'yo ah!"

"Kaya nga! Bagay na bagay sa 'yo, Lani!" Sang-ayon naman ni Yes.

"My god, Yes. Lower down your voice. Ang tinis ng boses mo, nakakabingi." Iritang saad ni Fifteen kay Yes.

Yes rolled her eyes. "Whatever, Fifteen! KJ mo talaga! Tatandang dalaga ka niyan!" Pang-aasar niya nito.

Bago pa man tuluyang mag-asaran yung dalawa ay tinawag na ulit ako ng coordinator kasi ako nalang yung hinihintay sa party. Nagpaalam muna ako sa kanila saka naghanda sa aking grand entourage.

Solace in the Sky (Toledo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon