Faye's POV
''WHAT THE HECK?!''
Kitams?
Yun din yung reaction ko eh. Kaso yung kaibahan tagalog lang yung language ko tsaka isang word lang.
Hay kapag minamalas ka nga naman!
Napasapo yung palad ko sa noo ko. Napa-smirk ako sa ginawa nilang lahat dahil alam kong ganito rin yung sasabihin nila.
Andito kami ngayon sa room namin. Nagtipon-tipon kaming lima (Wala si Andy, kasama ata si Nate sa baba) para pag-usapan yung nalaman ko. Nakakabigla din kaya no!
"Pano mo nalaman?" Tanong ni Tom.
Hay. "Sinabi saken nina AJ at Ryan yung langyang plano nila. Hindi ko alam kung susuportahan ko sila pero parang mali talaga eh." Eh mali naman talaga.
"Eh pano yun? Baka sila yung magalit sa atin kung tututulan natin yung plano nila." Sabi ni Neik.
Hay nako. "Neik naman. Ano ba mas mahalaga sa yo? Yung mga lalaking yun o yung kaibigan mo?"
Litse! Napaisip pa yung loko!
"Syempre si Andy."
"Eh yun naman pala eh!" Sabi ko sa kanya at nagsimula kaming mag thinking mode.
Siguro nagtatanong kayo kung bakit parang ang OA namin sa nalaman ko. Syempre. Isipin nyo naman.
Mahal pa ni Aus si Andy hanggang ngayon. Si Aus may Lem na ha.
Si Nate tsaka si Andy, gusto nila yung isa't isa.
Bestfriend ni Nate si Aus.
EX ni Andy si Aus.
Pano nalang yung buhay ni Andy pag ganon?
''What the hell?'' Tumatango-tango nalang ako. ''Pano na yan?! Gulo naman yung kalalabasan nun! Ayyyyyy litse naman oh!'' Reklamo ni Tom.
''As much as gusto kong magkalinawan na silang tatlo, kinakabahan pa rin ako sa magiging resulta ng walang kwentang plano na yan.'' Sabi ni Ari. Hay salamat naman at nagtagalog ka! Litse.
''Salamat at di ka nag english.'' Pabulong na sabi ni Tom.
''Oh so you want me to communicate in English?''
''Ooooopp!!!!'' Pagpuputol ko sa gagawin niya. ''Wag na! Baka dumugo ilong namin. Unahin muna naten yung problema na to.''
''Eh pano yan. Kelan daw gagawin? Di naman sinabi?'' Tanong ni Neik.
Ay litse.
Nang sabihin yun ni Neik, nagkatinginan kaming lahat.
Yun pa yung isa naming problema.
Kelangang handa kami sa lahat ng oras.
Eh pano kung mamaya na nila gawin yun?! Ano nalang yung sasabihin ni Andy samin pag nagkaganon?
''Litse.'' Sabi ni Tom.
''Ganto nalang.'' Nagsimula akong mag-isip. ''Kelangan nating paghiwalayin yung tatlo pag nagkasama na sila. Gets?''
''Pano nga?'' Tanong ni Ari.
Nagsimula akong magsalita at lahat naman sila nakikinig maliban lang kay Raye.
***
''Kelan daw nila gagawin?''
Syempre. Kakunstaba namin si Van.
''Pagkatapos daw ng Recognition.''
What the hell?! Recognition?! Seryoso ba sila?! Litse!
''Eh teka baket recognition?! Paniguradong andameng parents niyan ah!'' Sigaw ko.
Well, duh. Punta ka kaya sa recognition na walang parent. *slow clap*
''Ewan ko. Yun daw sabi nila eh. Pagkatapos ng recognition eh ita-trap daw nila yung tatlo. Tsaka dadalhin sa isang kwarto.''
"At dun sila mag-uusap? Pano kung magliparan yung mga hindi dapat na lumipad don? Aber?!"
"Edi pigilan." Malamig na pagsalita niya.
Susmaryosep. Haruuuuuujusko!
''Litse! Wala na ba talaga silang ibang maisip?!'' Haaay naman oh!
''Wala. Alam mo naman yung dalawang yun.''
Ay litse! Pano to?!
YOU ARE READING
Trochaic
General FictionIba't ibang pagkatao, Isang grupo. May tahimik, May madaldal. May bigo, May nakikiramay. May nagpapaiyak, May nagpapatawa. Iba't ibang problema, Isang... grupo? Trochaic, makakaya kaya ng grupong to na malampasan ang mga hamon na susubok sa katataga...
