Wala akong lakas na umuwi kasama ni Eros at Kim kahapon, ni hindi nga ako nakatulog sa kakaisip ng mga nangyari sa bahay nila Allen. Ngayong masaya na siya sa piling ni Stacey, tatanggapin ko na rin na hindi talaga kami ang para sa isa't- isa. Na kailanman wala na kaming pag- asang dalawa.
"Pupunta ka pa rin sa kanila?" Tanong ni Eros.
I nodded. "Nag promise ako kay Amellia, ayaw ko naman na isipin niya na hindi ako marunong tumanggap sa pangako. Kamakailan lang kami nagkaayos ni Amellia Ros, ayoko na masaktan ko na naman siya." Sagot ko sa kanya.
Bumuntong- hininga siya, bago humarap sa akin ng seryoso.
"Magiging okay ka lang? O ihahatid na kita?" He asked.
Umiling ako.
"Okay lang, tsaka, baka ma late ka pa, ngayon Interview mo diba?"
"Interview lang naman yun, marami pa akong pwedeng mahanap na trabaho, mas mahalaga ka. Baka ano pa ang mangyari kung hindi kita sasamahan." Aniya.
I sighed.
"Walang mangyayari Eros, pangako, nakita ko na lahat ng dapat ko makita kagabi sa bahay nila. Palantandaan lang na hindi na ako dapat umasa, kasi tapos na talaga kami, masaya na siya." Sagot ko sa kanya.
"O tsa, kung ayaw mo talaga magpahatid sa akin. Si Kuya Rey na lang ang maghahatid sa'yo. Mag- iingat ka."
I smiled then nodded. "Oo na sige na, maghanda kana, galingan mo sa interview mo ha." Sagot ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot, kaya pinagpatuloy ko na ang paghahanda ng pagkain na dadalhin ko kay Amellia. At ng matapos na ako ay agad na akong nagpahatid kay Kuya Rey sa bahay nila Allen.
Labis ang kabang nararamdaman ko ngayong papunta ako sa kanila, alam kong posibleng makita ko do'n na magkasama si Allen at Stacey, pero alam ko rin na kahit ano pa ang gawin nilang dalawa, ay wala na akong pakialam dahil ako naman ang unang bumitiw at nang- Iwan.
"Ma'am nand'yan na po pala kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni Amellia, ayaw niya daw po pumasok sa School ng wala kayo." Ani ni Ate Estel na nagpangiti sa akin.
"Sige po, pupuntahan ko na po siya, salamat po." Sagot ko sa kanya
"Sige po, nasa kitchen po sila Ma'am." Sagot ni Ate.Tumango ako. Bago ako tuluyan nag lakad papasok sa loob ng bahay nila Allen.
Buti na lang at wala sila Ma'am Ayla ngayon dito, kahit papaano nabawasan ang kaba na nararamdaman ko sa puso ko.
"So, kumusta ang cupcake Amy? Masarap ba?" Rinig kong tanong ng boses na kilalang- kilala ko sa anak ko. Kaya ang plano kong pumasok sa kusina nila ay hindi natuloy. Dali- dali akong nagtago sa gilid ng ref nila. Tamang- tama lang para marinig ko sila at makita ng konti.
Masaya sila. Masaya si Amellia at Allen habang kasama si Stacey, pakiramdam ko nanghihina na naman ako, pakiramdam ko tuluyan na silang mawawala sa akin dalawa.
"Yes Tita. Ang galing mo po magluto." Masayang sagot ng anak ko kay Stacey.
"I told you love, masarap magluto ng cupcake si Tita Stacey mo. Anyway, let's go na sa school mo?" Tanong ni Allen kay Amellia na nagpatahimik sa akin.

YOU ARE READING
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...