Chapter 2

38 21 2
                                    

Chapter 2
Lianne's POV

"Walangya ka talaga Melody!" bulyaw ko sa kanya,narinig ko syang bumungisngis

Aba!mesaltik talaga tong babaeng ito

"Hoy Melody!-

"Shhhh,magluto kana kung ayaw mong mabulyawan ni tiya Lorein ha ha ha"

"Tarantada ka Mel"

"Tsk!kagagaling mo lang magsimba naggaganyan kana agad"

Napailing-iling na lang ako sa kalokohan ni Melody kanina,hay ako ang nahiya kay father kanina,ano kayang gagawin ni father doon sa number ko

Lintik lang kasi sa kung ano iyan'si Melody kaya pati ako ay dinamay sa kaboringan nya sa buhay!

"Hoy anong oras pasok mo bukas" untag nya sa akin

"Alas siete, bakit?"

"Sabay na tayo umalis bukas para iwas pamasahe kana" oo na lang...may sarili kasing tricycle sila Melody kaya kung minsan ay nakikisabay na ako sa kanila

"San naman punta mo bukas?" Tanong ko nilingon nya ako habang ngumunguya ng mais

"Pang-umaga pasok ko bukas mageexperiment lang naman kami"sa sinabi nyang iyon ay parang biglang bumagsak ang balikat ko at nawalan ng gana,hayst buti pa sya nakakapagaral pa samantalang ako eto nahinto

" hoy bruha alam ko yang iniisip mo!"bigla nyang sabi "Hindi pa siguro ngayon yung binibigay na chance sayo para makapagaral uli" aniya at pilit akong ngumiti dalawang taon na akong nahinto ng pagaaral sa pagmemedisina

"Kelan naman kaya iyon?kapag mamamatay na ako ganon?" Sarkastong sabi ko,inirapan naman nya ako

"Tapos na ba iyang niluluto mo" pagiiba nya sa pinaguusapan

"Malapit na"

Nagpriprito lang naman ako ng tilapya,tapos naman na akong magsaing

"O sige na pala Yani uuwi na ako" tsaka sya lumapit sakin at bumeso hinatid ko pa sya sa may pintuan at hinintay makalayo

Pagbalik ko sa kusina ay inihain ko na ang pagkain sa hapagkainan ng may marinig akong pamilayar na boses

"Hoy Liyannn! Anong ulam!?" sigaw sakin ni tiya Lorein

"Ah tilapya po-

PAGSH!

Hindi pa ako natatapos mag salita ng biglang magdabog si tiya

" tangna naman liyan!tilapya na ang inulam natin kahapon ah tapos tilapya na naman ngayon!"malakas na bulyaw nya sa harapan ko

Hindi ko alam kung bakit parang nanlalambot ang tuhod ko at pinipigilan ko tumulo ang mga luha ko

"E-eh tiya iyan lang po kasi-

" letche na man oh!bakit Hindi mo gayahin si Hannah baboy at manok na ang inuulam nila,tignan mo si Hannah Nurse na"tsaka ako dinuro-duro ni tiya,napakuyukom ang kamao ko at nagpipigil sumagot

PAK!

Isang malakas na sampal ang humampas sa kaliwang pisngi ko

"Wala ka talagang silbi!" tsaka sya lumabas muli at sabay akong napatakbo sa kwarto ko,nahiga agad ako sa aking papag at kinuha ko ang unan pagkatapos ay idiniin ko sa aking muka

Tangnang buhay to!

Ilang sandali pa at napatitig na lang ako sa kisame ng kwarto at napatingin sa relong nakasabit 7:41pm na,nang biglang mag ring ang cellphone ko 

Fall On CallWhere stories live. Discover now