Chapter 21

4K 238 3
                                    


"Isa, dalawa, isa, dalawa..."

Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawala ko habang patuloy ako pinaikot at inuugoy sa pamamagitan ng pagsayaw ng waltz. Hindi ko mapigilang tumingin sa aking paanan.

"Huwag tumingin paibaba!"

Kusang umangat ang aking tingin saka diretso ako tumingin sa aking kasayaw---si Caldwell. Tulad ko ay nakangiwi na siya. Marahil ay alam na niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Lihim ko kinagat ang aking labi. Pinipigilan ang sarili kong maiyak. Walangya, sa buong buhay ko, ngayon lang ako pinagalitan ng ganito. Iba na kasi ang instructor ko ngayon. Nagretired na kasi ang dating nagtuturo sa akin dahil sa katandaan. Mas gusto ko pa 'yon, eh. Hindi mahigpit at malumanay siya magturo. Kapag may napuna siya, itatama niya 'yon sa marahan na paraan, hindi tulad ngayon. Kainis, pwede ko ba siya ireklamo kay Vencel?!

Sa ilang taon ko na nag-eensayo ng waltz, bilang lang sa daliri ko ang napeperfect ko ang naisayaw ko. Lalo na kung maiksi lang ang sayaw. Higit pa sa lahat, paparating na ang birthday ko kaya expected na din na kailangan may ibubuga na din ako sa pagsasayaw. Another good thing is, si Caldwell ang madalas kong partner. Dahil anak siya ng teacher ko na naging first knight ni Vencel noong kabataan pa niya. Well, isang duke si teacher Gerard Bordel, so si Caldwell ang magmamana ng posisyon ni teacher Gerard balang araw. Madalas din sila nadalo sa mga party kaya minsan kapag break time, nagagawa pa rin akong turuan ni Caldwell kung saan ako nagkakamali o ano pa ang mga pagkukulang ko sa pagsasayaw.

"Mas gustuhin ko pang hawakan ang pana at espada kaysa ang kamay ng mga lalaki." namumungay kong sambit, nakaupo ako sa sofa ng training room. Pansamantalang umalis muna ang instructor ko, nagpapahinga din siya. Siguro masakit na ang kaniyang ulo sa kakaturo niya sa akin.

Rinig ko ang mahina niyang tawa sa harap ko. "Hindi na bago sa akin 'yan, mahal na prinsesa." saad niya, habang nasa likuran naman niya ang isa niyang kamay.

"Siya nga pala, may balita na ba para sa pyesta ng pangangaso?" hindi ko mapigilang itanong tungkol sa bagay na 'yon. "Nakapagdesisyon na ba sila kung kailan ito gaganapin?"

Agad siyang umiling. "Sa ngayon ay wala pang ipinapahayag kung kailan gaganapin para doon. At isa pa, mas binibigyan-pansin muna nila ang nalalapit mong kaarawan, dalawang araw nalang, mahal na prinsesa." malumanay niyang sabi.

Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga, lumaylay ang mga magkabilang balikat ko. "Mas nakakapagod kapag idinaos ang aking kaarawan, Caldwell." malumbay kong sabi.

Ilang saglit pa ay dumating na ang aking guro sa pagsasayaw. Muli na naman kami bumalik sa pag-eensayo. Hindi na tulad kanina na marami akong mali. I think it's because of Caldwell's lead. Sumusunod nalang ako, nag-uusap din kami sa mapapagitan ng tingin. And alas, nagawa ko nang napakaperpekto ang sayaw! Mukhang nasatisfied naman ang bruhang instructor kaya maaga din kami natapos. Para akong ipinanganak muli! Sa wakas, makakalabas na ako sa Impyernong subject na 'yon! Oras na para puntahan naman si Ceola sa kaniyang silid, sasamahan naman niya ako para makalabas ng Palasyo. Isasama ko na din si Caldwell.

"Ceola!" malakas kong tawag sa kaniya nang buksan ko ang pinto ng kaniyang silid.

Napangiwi kami ni Caldwell nang makita namin ang mga nakakalat na mga libro, papel at mga bote sa loob ng silid na ito. Huwag niyang sabihing...?

"P-Prinsesa Rini..." biglang may sumulpot na braso sa hindi kalayuan. Iwinagayway niya ito. "T-tulong..."

Sabi na, natabunan na naman siya ng mga research niya. Nawili na naman siya sa pag-aaral. Nagkatinginan kami ni Caldwell, sabay din kami nagpalitan ng kibit-balikat. Humakbang kami palapit kung nasaan si Ceola. Isa-isa namin tinanggal ang mga libro. Nang tuluyan na namin ito natanggal ay huminga siya nang malalim. Nagpameywang ako sa harap niya. Inalalayan naman siya ni Caldwell na makabangon.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon