Chapter 10 Rance Training.

291 31 2
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction, Names, Characters, Events , Places and Etc are made by authors imagination, Any resemblance to real\actual person, living or dead are truly coincidental.

*Rance's POV*

Andito ako ngayon sa dimension kung saan nakatira si Loca at habang nililibot ko ang aking paningin ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa ganda ng lugar nato.

Umupo lamang ako sa damohan habang hinihintay si Loca kasi may importante siyang pupuntahan at nang tinanong ko ay hindi naman ako sinagot nito ng deretso kung hindi ay sinabi niya lamang na babalik ito agad.

Habang nagmumuni ako ay nakita ko naman si Loca na papalapit sa akin kaya napatayo naman agad ko.

"Kamusta Loca?" Tanong ko dito.

"Ayos lang naman Rance." Maikling sagot naman nito. Halata din sa boses nito ang pagod. At kung ano naman ang ginawa nito ay hindi na ako nagtanong pa at isinawalang bahala nalamang kung ano ang ginawa nito.

"Tara na, magsimula na tayo!" Aya naman nito. At pumunta sa gitna ng damohan.

"Diba sinabi ko sayo noong nakaraan na kailangan mong palakasin ang iyong mentalidad na lakas dahil kapag hindi ito balanse sa pisikal mong lakas ay pwede kang mapahamak. Ang iyong ibang katauhan ay nakakonekta sa iyong mentalidad kaya sa uulitin ay kailangan mo itong mapalakas para magising ang ibang katauhan mo." Sabi nito at napatango nalamang ako bilang tugon dito.

"Ibig sabihin ay haharapin mo ang kinakatakot mo Rance." Sabi naman nito. Na kinabahala ko naman. Papano to eh isa lang naman ang kinakatakotan ko eh, Ang mawala ang mga best friend ko.

"Wag kang mag-alala pang huli pa yon." Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi nito.

"Eh hindi panaman pala bat mona agad sinabi?" Tanong ko dito.

"Para maging handa ka Rance! Hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap at alam na nina Crit at Dist ang gagawin para mapalakas ang dalawa mong kaibigan." Sabi naman nito at nagtaka naman ako kung sino sina Crit at Dist.

"Sino sina Crit at Dist?" Nagtataka Kong tanong dito.

"Ang tunay na pangalan ni Momo ay Crit kay Hina naman ay Dist." Sagot naman nito.

"Eh ikaw ano naman ang dati mong pangalan?" Tanong ko.

"Dian ang tunay kong pangalan." Sagot nito pabalik.

Supreme Academy (BxB)(MOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon