Bigla ako pinatawag ni Vencel sa kaniyang Opisina. Hindi nga lang sa Throne Room. May importante daw kaming pag-uusapan. Kung ano 'yon? Hindi ko rin alam. Ngayon ko palang ito malalaman. Kung kaya agad ko siya pinuntahan kung nasaan ang kaniyang Opisina. Wala akong ideya kung may nagawa ba akong kalokohan o dahilan upang magalit sa akin ang mga teacher ko, sa totoo lang ay nagpapakabait na ako. Binawasan ko na ang pagiging pasaway ko nitong mga nakaraang linggo. Siguro ay dahil masyado na akong focus sa pagpapraktis. Halos hindi ko na nagagawang sagutin ang mga telegrama na ipinadala nina Calevi, Dilston at Otis. Kapag nakahanap ako ng oras, saka ko sila masusulatan pabalik.Malapit na ako sa pinto kung nasaan ang Opisina ni Vencel ay tumigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si Cederic na palapit din sa pinto. Muli ako nagpakawala ng mga hakbang. Halos patakbo na ang ginawa ko upang maabutan siya. Agad ko siya tinawag. Tagumpay niya ako napansin. Tumigil ako sa harap niya. "Kuya Cederic," muli kong tawag sa kaniya. "Ipinatawag ka din po ba ni Papa?"
"Ah, oo, Rini." tumalikwas ang isang kilay niya saka ngumiti. "Ikaw din ba?"
Tumango ako. "Opo." mabilis kong sagot.
"Sige, pumasok na tayo. Para malaman natin kung ano ang dahilan." Siya na ang pumihit ng pinto. Marahan niyang itinulak ang pinto. Pinauna niya akong pumasok doon saka tuluyan na rin kami nakarating sa loob ng Opisina.
Tumambad sa amin si Vencel na abala sa kaniyang binabasang mga papel na hawak. Tumingin lang siya nang naramdaman niya ang aming presensya. Marahan niyang binitawan ang mga papel saka itinabi niya muna ang mga 'yon. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan. Naglakad siya palapit sa amin. Agad kami nagbigay-pugay ni Cederic para batiin siya.
"Narito na po kami, kamahalan, tulad ng pinag-uutos ninyo." sabay naming sambit.
Tahimik siyang tumango. "Maupo muna kayong dalawa." sabay turo niya sa sofa na kaharap lang ng kaniyang office desk.
Sumunod kami ni Cederic sa kaniyang sinabi. Tahimik lang kaming nakatingin sa kaniya. Pareho kami naghihintay kung ano ang dahilan kung bakit niya kami pinatawag nang biglaan. Tingin ko naman ay hindi naman niya kami sesermonan dahil pareho kaming walang ginagawa na kalokohan.
Sumandal siya sa kaniyang desk. Humalukipkip siyang tumingin sa amin. "Bago ang lahat, kaya ko pinatawag si Rini ay sa kadahilanan na lumabas na ang resulta ng kaniyang pagsusulit." panimula niya. Bigla ako umupo ng tuwid. Ngumiti siya. "Lahat ng mga 'yon ay puro pasado, ang mas magandang balita pay puro halos perpekto ang bawat isa. Binabati kita, aking bunso."
"Binabati kita, Rini!" masayang bulalas ni Cederic nang binalingan niya ako.
Lumapad ang aking ngiti. "Maraming salamat po, papa, kuya Cederic." masaya kong saad. Pero hindi ko expect na almost perfect score ang magiging resulta ng exams ko. Hindi bale, sa susunod nalang. Atleast, nakahinga na ako nang maluwag.
"Ang sunod na dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag ay dahil napagpasyahan na kung kailan gaganapin ang malaking paligsahan ang pyesta ng pangangaso." sunod niyang pahayag. Pareho kaming na-excite. Sabay na nangingislap ang mga mata namin dahil sa antisipasyon. "Sa katapusan ng buwan na ito gaganapin."
OMG. OMG. Malapit na pala ang event! Hindi na ako makapahintay!
"Ngunit," pahabol niya. Natigilan kami ni Cederic. Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa. "May mga patakaran at mga alintuntunin na dapat sundin bago man kayo magpatala sa komite bilang mga kalahok."
"Ano pong mga patakaran at mga alintuntunin na dapat pong sundin, kamahalan?" naging pormal na usisa ni Cederic.
Lumunok ako. Patuloy ako nakikinig sa mga bawat sasabihin niya.

YOU ARE READING
𝐈'𝐦 𝐁𝐨𝐫𝐧 𝐚𝐬 𝐚𝐧 𝐄𝐫𝐲𝐧𝐝𝐨𝐫!
FantasyShe díed due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appropriate state. Pero sabi nga nila, kung mabibigyan lang ka lang ng isa pang tyansa na mabuhay ulit and alas, she was reincarnated as a baby! Hindi...